Thursday , January 9 2025

“Dyesebel” ni Anne Curtis, gagawa ng kasaysayan (Jojo A., ‘di talaga ka-level ni Tim Yap)

HALA, sige, mag-paham-pahaman tayo sa pagkakataong ito dahil marami naman diyan sa kalipunang ito ng lokal showbiz ang parating naglalako ng kani-kanilang mga hula-hula kuno, sa mga magiging kaganapan sa industriyang sala-sa-init-sala-sa-lamig.

Sa pagkakataong ito, tahasan kong sasabihin na ngayong si Anne Curtis na ang opisyal na napili para gumanap sa ika-kung-ilang ulit nang pagsasapelikula sa klasikong obra ni Uncle Mars Ravelo, ang “Dyesebel”, magtaas na kayo ng inyong mga upod na kilay, dahil this time, Anne Curtis will make a new episode cum history in the midst of this somewhat  gloomy atmosphere this side of Hollywood.

Patutunayan ni Curtis, na kayang-kaya niyang wasakin ang kuno-kunong existing box-office records in the history of Philippine cinema tienes at kung anik-anik.

At ang suwerte naman ng mga actor-aktoran na sina Sam Milby at ang nor here nor there career ng dating great lover boy ng GenSan, si Gerald Anderson, bago siya matulikap kuno ng movie scribe na si Jun Reyes, na ngayon ay nasa pagkandile na ni Mr. M ng Star Magic.

Sana, si Bb. Joyce Bernal ang mag-direhe ng latest version ng “Dyesebel” na unang pinagbidahan ni Edna Luna (and still the best), circa 1950s na dinirehe ni Gerry de Leon. (FYI: Si Joyce Bernal ay naging staff ng production design team ni katotong Charlie Arceo circa 1989 sa pelikulang “Imelda”, biofilm sana ni Imelda Marcos na hindi natapos.)

Nga pala, sa mga nagbigay-buhay sa karakter ng babaeng kalahating-isda-tao, si Vilma Santos ang masasabing  pinakamatagumpay bilang “Dyesebel” dahil tinalo niya ang mga pelikulang entry noon nina FPJ at Erap sa 1973 Manila Film Festival.

If memory serves me right, sa the one and only  “Dyesebel at ang Mahiwagang Kabibe”,  na dinirehe ni Emmanuel H. Borlaza, ang nag-uwi ng limpak na salapi para sa TIIP ni Atty. Esperidion Laxa. At ang baguhang mang-aawit noon na si Romeo Miranda ang leading man ni Ate Vi.

Well, sa bagong bersyon ng “Dyesebel”, tinitiyak kong mag-e-evolve na rin siyempre ang karakter at dapat ganoon din ang kwento ng “Dyesebel”, considering na hilahod na ang mundong ito sa climate change with matching global warming.

Ay, sana langkupan ng social relevance ang kwento gaya ng anomalya na sangkot si Janet Lim-Napoles with matching Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, Bong Revilla at iba pang mambabatas na kunokunong makikisawsaw sa isyu ng paglilinis sa karagatan dahil sa red tide at ang reclamation sa Manila Bay na apektado ang habitat ni Dyesebel at iba pang lamandagat.

Dapat may papel din diyan si Fidel Valdez Ramos, dahil isa siya sa mga nag-engineer para ma-reclaim ang lugar na kinatatayuan ngayon ng Marina Bay Homes, MOA , Solaire casino, at iba pang establisimiyentong nasa Macapagal Boulevard.

***

Samantala, nangiti ako sa sinulat ng isang katoto na kanyang kinukumpara ang dalawang personalidad na lubhang malayo ang mga katangian at karakter sa personal at propesyonal na buhay.

Ang tinutukoy natin ay ang pagkukumpara kina Jojo Alejar, ang dating That’s Entertainment regular, now producer/host ng Not So Late Night with Jojo A., at ng isang Tim Yap, na naging pamoso dahil sa kontrobersiyang nilikha ng kanyang pag-aari noong Embassy bar sa The Fort (na kung bakit ito nagsara ay isang malaking kwento).

Kung ikukumpara ang dalawa,  hamak namang malayo ang wholesome image ni Jojo Alejar, kahit ipagtanong pa sa kanyang naging kapanabayan sa defunct entertainment teevee program hosted by the icon himself, German ‘Kuya Germs” Moreno.

Kung pagdating sa hosting, mas type namin ang estilo ni Alejar kumpara sa estilo ni Yap na napaka-monotone ng dating.

Isa pa, alam na alam ni Alejar ang kanyang tinatalakay pagdating sa mga issues may it be about showbiz, politics et cetera.

Oo, maraming konek si Yap (inside and outside showbiz) at yan ay dahil sa kanyang well-connected network since siya’y naging lifestyle section editor ng Philippine Daily Inquirer (at ang kanyang pagkaka-tsugi sa PDI ay isa pa ring malaking kwento) na madalas siyang nasa out of country noon.

Personally, mas magandang magsulat nalang si Tim Yap kesa nasa harap siya ng kamera.

***

Paki ng isang bff: Gawing makabuluhan ang inyong araw sa pagpasyal sa 21st Fiesta Fair Manila, Greenhills Shopping Center, Ortigas Ave., San Juan City at Las Farolas, museo ng buhay na river monsters sa Frontera Verde Drive, Ortigas Ave., Pasig City.

Sa Fiesta Fair, mas kilalang Greenhills Tiangge, na tatagal hanggang Febrero 3, makakabili kayo ng iba’t ibang goods sa abot-kaya ng bulsa, na kagigiliwan ng mga bargain hunters  – novelty items at giveaways, RTWs, jewelry, footwear, leather goods, undergarments, local arts at crafts, cellphones, antique at bagong furniture at pagkain.

Ang Fair ay may handog ding serbisyo tulad ng cellphone repair. Ayon kay Mr. Babiera na tinaguriang  “Tiangge King” sa pangunguna sa paglunsad ng pinakamalaking flea market sa Asya, ang  Fair ay isang incubator ng micro-industries at would-be entrepreneurs, ito ay bilang suporta sa “Buy Pinoy Products” na kampanya ng pamahalaan.

At pagkatapos mag-shopping, bisitahin ang Las Farolas, ang pinakaunang museo ng river monsters na may promo na 50% discount sa entrance fee hanggang Pebrero 20.

Mula nang binuksan ito nung April 25, mahigit na 100,000 katao – estudyante, guro, empleyado, local at foreign tourists – ang na karanas na makasalamuha ang higit sa 3,000 mala-halimaw ngunit maamong river monsters na mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Bukod sa museo, may mga tindahan din sa Las Farolas na may tindang exotic freshwater fishes, aquarium accessories at fish meals.

Ang Las Farolas ay bukas mula  9:00 AM hanggang 7:00 PM Lunes hanggang Biyernes at 9:00 AM hanggang 8:00 PM pag Sabado, Linggo at holidays.

Art T. Tapalla

About hataw tabloid

Check Also

Sam SV Verzosa Quiapo Nazareno

Sam Versoza 16 taon nang namamanata sa Nazareno, miyembro ng Hijos del Nazareno

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KONGRESISTA o simpleng tao, patuloy pa rin ang pamamanata sa …

Vilma Santos Ed de Leon

Ate Vi dinalaw puntod ni Kuya Ed de Leon

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAG-IISA ka talaga ate Vi, ang ating minamahal na Star For …

Cristy Fermin Darryl Yap The Rapists of Pepsi Paloma

Cristy kinuwestiyon si direk Darryl Yap; respeto sa kapwa iginiit

KONTRA si Cristy Fermin sa pagsasapelikula ni Darryl Yap ng The Rapists of Pepsi Paloma. Ang dahilan, tila gusto raw …

Dina Bonnevie Deogracias Victor DV Savellano

Asawa ni Dina na si DA Usec Victor pumanaw sa edad 65

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PUMANAW na ang asawa ng batikang aktres na si Dina …

Piolo Pascual Toni Gonzaga Toni Talks

Piolo Pascual 13 years nang single, ‘di naghahanap ng dyowa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio LABINGTATLONG TAON na palang walang dyowa si Piolo Pascual. Ito …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *