UMAABOT sa 4,253 re-sidente ang naitalang inilikas mula sa limang lalawigan sa Mindanao dahil sa malawakang pagbaha dulot ng patuloy na pag-ulan dala ng Low Pressure Area (LPA).
Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NRRMC), nasa kabuuang 882 pamilya ang inilikas sa Davao del Norte, Compostella Valley, Agusan del Sur, Lanao del Norte at Surigao del Norte.
Ayon kay NDRRMC Executive Director USec Eduardo del Rosario, bukod sa umiiral na LPA, nakaambag din sa pag-ulan sa ilang lalawigan ng bansa ang northeast monsoon o Amihan.
Samantala, nagpalabas naman ng flood advisory ang NDRRMC sa apat na rehiyon partikular sa Region-IV-A Calabarzon, Region IV-B (Mimaropa), Region VI (Western Visayas) at Region XII (Soccsksargen) dahil sa patuloy ang pagbuhos ng ulan sa loob ng 24-oras. (HNT)