Monday , December 23 2024

Tsekwang may sanrekwang baril na-release sa ‘magkano’ ‘este paanong paraan?!

00 Bulabugin JSY
NAALALA po ba ninyo ang Chinese national na nadakip at nahulihan ng sandamakmak na baril na mayroon pang martilyo at shabu sa compartment ng kanyang kotse?!

Ang pangalan po niya ay JERRY SY. Inaresto siya ng mga pulis-Pasay dahil hinabol niya ng saksak ang isang Joseph Ang, ang kilalang casino financier sa Resorts Worst este World Manila.

Pero sa hindi maintindihang pangyayari ay napakawalan (na-release) si Jerry Sy. Magkano este paano kaya nangyari ‘yun?

Pinayagan siyang magpiyansa ng isang fix-cal este fiscal. Ang galing naman ng abogado ni Jerry Sy.

Tsk tsk tsk …

Ayon sa isang very reliable source, ‘MALAKI’ ang budget kung bakit na-release si Jerry Sy.

Hay naku! D’yan talaga sa Pasay, “if the price is right” lang ang pinag-uusapan.

Pero ang masaklap, nang makalabas sa detention cell si SY, nasakote naman siya ng Immigration agents.

Doon natuklasan na ‘yan palang si SY ay illegal alien.

Walang ano mang papeles na naipakita bilang dayuhan kaya hayon naka-destiero ngayon sa Bicutan Immigration detention.

Ang balita natin, kung sino-sino na naman ang tinatawagan ng kanyang mga KONEK para makalabas si SY. Malaki daw ang budget. Mula dalawa hanggang limang mansanas.

Pero balita natin ay walang PUMAPATOL.

Ganyan talaga, money can’t buy everything.

Natutuwa tayo at mayroon pang ‘matitinong’ nakakasalubong ang mga KONEK ni JERRY SY.

Ang tanong lang natin ay hanggang kailan kaya?!

Immigration intelligence chief Jose Carlitos Licas, paki-check lang po nag status nitong si JERRY SY, at baka isang araw ay mayroong masilaw sa inaalok ng kanyang mga KONEK na mansa-mansanas.

Babantayan po natin ang kasong ito.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *