Monday , December 23 2024

Smuggling sa bansa, kaya kung gugustuhin!

MAIKOKOMPARA  na ba sa sakit na kanser ang smuggling sa bansa? Kapag sinabing kanser, sinasabing wala na raw itong pag-asang gamutin. Ginawa na lahat ng gobyerno ang makakaya sa problema sa smuggling pero, ano ang resulta?

Kaliwa’t kanan pa rin ang smuggling kahit na sinasabi pa ng administrasyon na pinaupo na nila ang pinakamagaling na commissioner dito pero wala pa rin. Hindi lang naman ngayon naging problema ang smuggling sa bansa partikular na sa loob ng Bureau of Customs (BoC) kundi noon pa. Ginawa na rin ng mga nagdaang administrasyon ang kanilang makakaya para masugpo ang smuggling pero bokya pa rin ang pagsisikap.

Paano kasi, ang pagsisikap na ginagawa ng mga damuhong nagsiupong commissioner ay hanggang umpisa lang ang kanilang kampanya … at sa bandang huli kapag naayos na nila ang lahat. Hayun, pulos ‘sahod’ na lamang ang kanilang ginagawa. Hindi lang timba-timba kung sumahod sila sa mga smuggler kundi drum-drum ang kanilang ginagamit sa pangsahod kaya lugi ang gobyero at kaya palala nang palala ang smuggling lalo na sa bigas.

Ngunit, talaga nga bang maituturing nang sakit na kanser ang smuggling? Wala na nga ba ta-lagang lunas para rito?

Ang nagbitiw na si dating Commissioner Ruffy Biazon, in fairness sa mama, sinikap niya raw sugpuin ang smuggling nang ipagkatiwala sa kanya ni PNoy ang Aduana.

Pero sa kabila ng mga ginawa ng mama, bigo pa rin daw si Biazon.

Oo nga’t marami rin siyang nagawa, marami rin siyang kinasuhang kasabwat sa smuggling – mga kooperatiba ng bigas na nakikipagsabuwatan sa mga smuggler pero mistulang kulang pa rin daw ang hakbangin.

Namayagpag pa rin daw kasi ang smugglers sa kabila ng lahat … at mismong si PNoy pa nga ang nagsabing hindi siya kombinsido sa ipinamalas ng BoC sa ilalim ng kanyang pinaupong kaibi-gang si Ruffy.

Sa SONA nga ni PNoy kung matatandaan, tinira ni PNOy ang BoC. Ang kakapal daw ng mga taga-BoC. Paano kasi, aabot daw, sabi ni PNoy sa P200 bilyong buwis ang nawawala sa koleksyon ng BoC.

Hayun, sa kabila nga ng harap-harapang pagbatikos ni PNOy kay Ruffy. Hindi nagbitiw si Bia-zon sa puwesto at hinintay pang makaladkad siya sa ibang paraan para magbitiw. Hinintay pa niyang sa pork barrel scam siya masilat bago niya naramdamang pinaaalis na siya sa BoC. He he he …

Ano pa man, kahit na paaano ay masasabing may malaking naiambag si Biazon sa pakikipaglaban sa smugglers lamang, talagang marami pa rin kawani at opisyal ng BoC na nasa likod ng smuggling.

Ngayon wala na si Biazon, ngunit sa info ay tuloy pa rin ang pamamayagpag ng mga smuggler sa Aduana. Bakit? Kasi po, kahit na tinanggal si Biazon diyan o iyong mga nagdaang komisyoner, e nandyan pa rin iyong mga kawani at opisyal na ka-sabwat ng mga smuggler. ‘Ika nga, come and go ang mga komisyoner pero ang mga kasabwat ng mga smuggler ay naiiwan naman.

Pero wala na nga ba talagang lunas ang smuggling? Meron kung talagang gugustuhin ng gob-yerno. Hindi naman ang BoC kasi ang marumi di-yan kundi ang mga nagpapatakbo sa BoC.

Kumbaga, kamay na bakal ang kailangan – ang nangyayari kasi, hinihintay pang lumala ang sakit bago kumilos ang gobyerno. Hinihintay pa kasi ng gobyerno na mabuko ang kalokohan sa loob bago kumilos.

Si Davao City Mayor Rodrigo Duterte kamakailan ay nagbanta laban sa mga smuggler. Kanya raw papatayin. Labag man ito sa Diyos ngunit hindi naman siguro ito ang ibig sabihin ni Duterte at sa halip, ipinadarama lang ng alklade na may solusyon sa malalang smuggling sa bansa kung gugustuhin ng gobyernong Arroyo.

***

Para sa inyong komento, suhestiyon at reklamo, magtext lang sa 09194212599.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *