Monday , December 23 2024

Smuggling goliath Davidson Tan, sino ang mga protector sa PNoy admin?

NAGTATAKA si Senator Ralph Recto kung bakit bigo angNational Bureau of Investigation (NBI) na habulin at kilalanin ang tunay na identity ng tinaguriang “hari” ng rice smuggling/cartel sa bansa na si DAVIDson “Bata” TAN Y BANGAYAN sa kabila ng mga impormasyong pinorward ng Senado sa nasabing ahensiya makaraan ang apat na buwang imbestigasyon at pagdinig noong 2012.

Nagtataka rin ang sambayanang Pilipino sa sinabi niDepartment of Justice DOJ) Secretary Leila De Lima at ngNBI na nahaharap sila sa isang “blank wall” patungkol sa pagkikilanlan sa tunay na si DAVIDson TAN, ang umano’y hari ng mga rice smugglers.

Mistulang inamin na ni De Lima na masyadong  mapurol ang intelligence network ng NBI at sobrang mga bopol ang mga opisyales nito.

Kung ganyang inutil ang pambansang ahensiya ng pag-iimbestiga (pagsisiyasat), ano pa ang ginagawa ng mga opisyales ni De Lima sa NBI ?

Hindi kaya may ilang NBI officials ang nasa payola list niDAVIDson TAN kaya hindi sila makakilos?

Tama lang na magalit itong si Senador Recto sa tanggapan niDe Lima dahil sapat-sapat ang mga dokumento at impormasyong ibinigay ng Senado patungkol sa rice smuggling.

Inirekomenda ng komite ni Senador Recto ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kay TAN,DANNY NGO,DANILO GARCIA at WILLIE SY.

Inirekomenda ring sampahan ng kaso ang noo’y NFA Administrator Lito Banayo at ang chief of staff nito na siGilberto Lauchengco.

Magpahanggang ngayon, nganga pa rin si De Lima at ang NBI patungkol dito.

Tahasan ding inihayag ng Senate Committee report na may umiiral na rice cartel sa bansa na nagmomonopolya ng supply ng bigas.

Ang pagkakadiskubre sa talamak na rice smuggling ay naganap ilang buwan matapos maupo bilang pangulo ng bansa si PNoy.

Magdadalawang taon na buhat noon, wala pa ring tumitinag para buwagin ang rice cartel at talamak na rice smuggling sa bansa.

Ang nasibak ay itong si dating Customs Commissioner Ruffy Biazon samantalang nagbitiw naman sa kanyang poder si Deputy Commissioner Danilo Lim na isang kilalang straight at honest military man.

Kapwa nakaposas ang mga kamay nina Biazon at Lim para ipatupad ang tunay na reporma sa Bureau of Customs.

Nadiskubre ng mga ito na protektado ng ilang malalapit na tauhan, kaibigan at kamag-anakan ng Pangulong Aquino ang mga katulad ni DAVIDson TAN.

Suma total, ang ipinagmamalaking matuwid na daan ngAquino administration ay isang praise release lamang at salat sa katotohanan.

Dumadaan sa mistulang “imbudo” ang grasya ng korapsiyon na sila-sila lamang ang nabibiyayaan at pilit na itinatago ang bantot at baho.

Mahigit sa 7 bilyong piso ang nawawala sa kabang yaman ng bansa sa rice smuggling pa lamang ngunit nananatiling walang aksyon dito ang Malacanang.

Bilyong piso rin ang patuloy na ipinamumudmod ng hari ng rice smuggling na si DAVIDson TAN sa mga opisyal ng Custom at iba pang personalidad na nasa gobyerno.

Malinaw na nakasaad sa Committee report ng Senado na dapat ding imbestigahan ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pakikipagkutsabahan nito sa mga rice smugglers.

Magpahanggang sa ngayon, nakatunganga pa rin ang sambayanang Pilipino sa pag-aantay ng aksyon mula sa mga kinauukulan lalo na mula kay Pangulong Aquino.

Patuloy din sa paghihirap at pagdarahop ang mga kababayan nating magsasaka na kulang na lamang sabihin na namamatay na sa gutom. Mahirap talaga kung isang asindero angpresidente ng bansa, di nito dama at ramdam ang hinagpis at pagtaghoy ng kanyang mahihirap na kababayan!

Kahit pa nga kulang na lamang sabihin na pawang mga bobo at walang alam sa trabahong-Customs ang kanilang mga inirekomenda.

Paanong mami-meet ang collection target kung ganitong mga “tong collectors at mga bagmen” ang ipinaglalalagay sa Aduana. Susmaryosep!

May kasunod…abangan!

***

Makinig sa DWAD 1098 khz am “ target on air’ Monday / Friday  2-3 pm, mag txt  sa sumbong o reklamo 09167578424 /09196612670 mag email sa  [email protected]

Rex Cayanong

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *