SA pagpasok ng isang bagong tao’y ugali na ng mga Pinoy ang gumawa ng isang listahan na nakalagay ang mga ugaling buburahin at papalitan ng mas magaganda o New Year’s Resolutions.
Handa ba naman tayo sa mga pagbabagong ipinangako at mga pagsubok na haharapin?
Bilang inspirasyon ay itatampok ngayong Sabado, 9:00 a.m. sa Gandang Ricky Reyes Todo NaToh (GRR TNT) sa GMA News TV,
ang istorya ni RJ Sombrero, 17-anyos may sakit na cancer of the bone o “osteosacoma.” Kahit kinailangang putulin ang kaliwang paa’y ‘di nawalan ng pag-asa na isang araw ay lalabas siya ng ChildHaus (ang pansamantalang bahay-tuluyan ng mga batang maysakit) na magaling na, malakas, at masayang tulad ng ibang kaedad niya.
Ipakikita rin ang mga pagsubok sa reality contest na Mr. and Ms. Sogo Ambassadors. Para makamit ang titulo’y kailangang magtanim, maglinis ng kapaligiran, mag-alaga sa mga pasyente ng Childhaus at mga matatanda sa “home for the aged.”
May judges na kasama sa bawat challenge ang mga contestant na nagbibigay sa kanila ng kaukulang puntos.
May mga bagong pahayag ang mga nakasubok at nasiyahan sa MX3 coffee, tea at capsule. Kilala na sa buong mundo ang bisa ng mga ito na mula sa katas ng garcinia mangostana na binansagang “wonderfruit” mula sa Davao City.
Isang kababayan ang kasalukuyang nakatira sa Hawaii, USA ang sumulat para humiling ng isang make over para sa kanya at kanyang ina. Gusto ng letter-sender ni Mader na byuti sila sa pagdalo sa junior-senior prom na dadaluhan sa Marso.
Isang beauty holiday ang ibinigay ni Mader sa kanila … bagong hair syle, make up, body massage, at skin treatment. Umuwing feeling beautiful ang mag-ina.
Lahat ng ito at marami pang iba sa GRR TNT na prodyus ng ScriptoVision.