NATAWA naman ako kay Senator JINGGOY ESTRADA, hindi raw niya ibinigay sa tatay niya ang kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o PORK BARREL kundi sa mga taga-Maynila raw.
Hindi nga?!
Kung hindi tayo nagkakamali, bukod tanging si Sen. JINGGOY lang ang nag-realign ng kanyang PDAF sa local government unit (LGU), habang ‘yung ibang Senador ay sa mga line agencies nila ipinagkaloob ang kanilang PDAF.
Naalala ko tuloy noong minsang nagkita kami ni Sen. Jinggoy sa induction ng isang PRESS CORPS na kapwa kami panauhin.
Presidente pa tayo ng National Press Club (NPC) noon.
Inalok niya tayo na magbibigay umano siya ng P300,000 sa NPC.
Itinanong ko naman kung paano makukuha.
Makipag-ugnayan lang daw ako kay Navotas Mayor Toby Tiangco (noon iyon) kasi roon daw niya ipadaraan ang ‘tulong’ niya sa NPC.
Buti na lang hindi na ako nagpursige kasi ‘KUKUPITIN’ pa pala ‘yun.
Hehehehe …
Anyway, Sen. JINGGOY, sa ganyang sistema ninyo ay ipinakikita n’yo lang kung gaano kayo ‘kahusay’ mag-juggle ng PEOPLE’s MONEY.
Kung talagang seryoso kayong tumulong bakit hindi ninyo deretsong ilaan para sa kalusugan at edukasyon ng mga kabataan natin sa sulok o dulo ng mga probinsiyang hindi naaabot ng sibilisasyon at ng serbosyo ng gobyerno.
O ‘di ba?!
Yakang-yaka nang mag-produce ng pera ng ERPAT mo … e beteranong manlulustay este politiko na ‘yan.
Alam na niya kung paano popondohan ang lugar niya … nand’yan pa rin naman ang mga Intsik na sumuporta sa kanya noong nakaraang eleksiyon ‘di ba?
Spare PEOPLE’s MONEY … ibigay mo na ‘yan sa tunay na nangangailangan … ‘wag mo nang gamin sa pamomolitika …
Pwede ba?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com