MAGANDA ang feedback sa bagong sitcom nina Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz sa ABS CBN na pinamagatang Home Sweetie Home. Iba kasi ang chemistry nina Toni at Lloydie at sa kanilang balik-tamba-lan, talagang masasabi namin click sa masa ang kanilang tandem.
Bukod sa kuwela ito, cute ang rehistro nina Toni at Lloydie sa televiewers. Obvious din na ga-may and at ease na ang dalawa pagdating sa comedy, kaya magandang simula ito para sa Kapamilya Network.
Matatandaang unang nagtambal sina Toni at John Lloyd sa pelikulang My Amnesia Girl. Naging malaking box office success ito na kumita ng 144 milyon. Ang naturang pelikula na pinamahalaan ni Direk Cathy Molina Garcia ay na-ging highest grossing Filipino film noong 2010. Sa kasalukuyan, ito rin ang may hawak ng titulo bilang eleventh highest grossing Filipino film of all time.
Kaya naman hindi nakapagtatakang muling kilitiin ng tambalang Lloydie at Toni ang masa, this time, via their latest sitcom sa Dos.
Tinatalakay sa sitcom na ito ang buhay ng bagong kasal sa isang typical na set-up ng pa-milyang-Pinoy. Bukod kina Toni at Lloydie, tampok din sina Sandy Andolong, Miles Ocampo, Clarence Delgado, at Rico J. Puno, sa direksiyon ni Edgar Mortiz.
Sa isang panayam kay Lloydie, inamin niyang matagal na niyang pangarap gumawa ng isang sitcom. Sinabi rin niyang masaya siyang makasama si Toni dahil fan daw siya ng aktres.
Sa obserbasyon naman ng iba na tila may hawig ang Home Sweetie Home sa dating sitcom na John en Marsha ng Comedy King na si Dolphy at Nina Blanca, sinabi ni Lloydie na hindi malayong ganito ang isipin ng iba.
Parang naging representative raw kasi ng Pinoy households ang John en Marsha kaya ganito ang maaaring isipin ng ilang viewers. “It’s typical Pinoy household. But, to begin with, hindi ito version ng John en Marsha na modern day.
“Kumbaga, sinasabi ko lang, kahit na anong Pinoy households, maihahalintulad mo sa household nina John en Marsha. Parang hindi kami naiiba, people can compare, pero, hindi namin intention,” esplika pa ng Kapa-milya actor.
Ang Home Sweetie Home ay tinatampukan din nina Joross Gamboa, Ketchup Eusebio, Eda Nolan, Ryan Bang, Eric Nicolas, at Mitoy Yonting. Nagsimula na itong ipalabas noong January 5, 2014 pagkatapos ng time slot ng Goin’ Bulilit.
John Prats at Isabel Oli, magpapakasal na?
MAY mga bulong-bulungan na nagpaplano nang pakasal very soon ang magkasintahang sina John Prats at Isabel Oli. Base kasi sa mga pahayag ng dalawa lately, talagang obvious na mahal nila ang isa’t isa. Kapwa nga nila sinabi sa mga panayam sa kanila na gusto nilang sila na ang magkatuluyan.
Ayon kay John sa isang interview last year patungkol kay Isabel, “Sabi ko sana, I hope. Pero this time, I say ‘Yes, she’s the one.”
Actually, early last year pa sinabi ni John na sana nga raw ay si Isabel na ang babaeng kanyang pakakasalan sa hinaharap. Si Isabel ay very vocal din naman sa pagpapahayag na masaya siya at kontento sa kanilang relasyon ni John. Ito marahil ang rason kung bakit marami ang humuhulang malapit na silang magpakasal.
Although inamin ni Isabel na napag-uusapan na nila ang kasal ni John, ito raw ‘yung normal na ginagawa ng mag-boyfriend, pero wala pa namang definite raw talaga sa kanilang mga plano. Busy raw kasi sila kapwa ni John sa kanilang mga commitments.
Si John ay itinanggi rin ang balitang ito. Pinabulaanan ng Kapamilya aktor ang mga luma-labas na espekulasyon na kes-yo engaged na sila ni Isabel. Ayon pa kay John, maayos ang kanilang relasyon ni Isabel, ngunit wala pa silang balak na lumagay sa tahimik.
Nonie V. Nicasio