Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

SC masusubok sa DAP

MASUSUBOK ang indepensensya ng Korte Suprema sa isyu ng Disbursement Acceleration Program (DAP) lalo’t higit ang mga mahistrado nito. Sila ba ay tapat sa bayan o sa pangulo ng bansa na si PNoy?

Magmula kasi nang binigyan nila ng paghuhusga na ilegal ang PDAP o Priority Development Assistance Fund (PDAP) ay lalong naging maliwanag pa sa sikat ng araw na ilegal ang DAP.

Mabigat ang magiging desisyon ng Korte Suprema sa DAP dahil dito nakasalalay ang buhay ni PNoy matapos ang kanyang termino.

Sasabit na nga siya sa PDAP, tapos ay tiyak na mas mabigat ang DAP at dito tiyak hindi siya malalayo sa kinasapitan nina Erap at GMA dahil siguradong plunder rin ang ihahain sa kanyang reklamo matapos ang 2016.

Malinaw naman kasi sa Konstitusyon na ilegal ang DAP dahil ang lahat ng savings ng pamahalaan ay dapat idaan sa supplemental budget na inaaprubahan ng Kongreso.

Diyan tiyak sablay ang PNoy government at kung hindi magpapa-impluwensya ang mga miyembro ng Kataas-taasang Hukuman ay tiyak matutulad din ang DAP sa PDAP.

Simple lamang ang ibig sabihin ng ganon, mapapaaga ang paggawa ng demanda ng kanyang mga kalaban kay PNoy at sa iba pang utak ng DAP at mga nakinabang sa pondo.

Hindi naman lingid sa lahat ang balitang ang DAP at PDAP ang ginamit ng Palasyo na pansuhol sa impeachment ni dating punong mahistrado Renato Corona, na matinding nakagalit ni PNoy dahil bukod sa isa siyang appointed ni GMA ay isa rin sa nagdesisyon para matalo ang Cojuangco sa ipinaglalaban na Hacienda Luisita.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …