Monday , December 23 2024

Replika ng Nazareno ipinarada na

010814 nazareno quiapo
ISANG araw bago ang malaking prusisyon para sa Poong Nazareno, ipinarada na ang replica ng imahe bilang hudyat at pagpapakita ng kahandaan ng mga awtoridad  para sa Pista bukas, Enero 9. (BONG SON)

Dalawang araw bago ang Pista ng Itim na Nazareno, dumagsa na ang maraming deboto sa loob at labas ng Quiapo Church.

Sinimulan  na  rin  iprusisyon sa iba’t ibang kalye ang replika ng imahe ng Itim na Nazareno.

Dakong  12:00  ng  tanghali kahapon, nag-umpisa ang prusisyon ng mga replika na tumagal hanggang gabi.

Isinara ang southbound lane ng Quezon Boulevard dahil hindi nagkasya ang mga tao at nananatili ang iba sa Plaza Miranda.

Lalong nakapagpasikip ng trapiko ang balik-eskwela kaya asahan ang mabigat na trapiko sa U-belt partikular sa España, Bustillos, Legarda at Recto.

Nagpaalala ang pulisya sa mga deboto na huwag  magsuot ng alahas, huwag magdala ng cellphone sa prusisyon, gayundin, huwag sumama ang mga buntis o may bitbit na bata.

Utos ng Palasyo
SEGURIDAD SA PISTA NA NAZARENO TIYAKIN

Pinatitiyak ng Malakanyang sa Philippine National Police (PNP) ang kaligtasan ng mga deboto na makikibahagi sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno, bukas.

Ani Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, inaasahan nilang matututukan ng PNP ang mga deboto na posibleng maging target  ng  masasamang elemento.

Umaasa rin ang Palasyo na plantsado na ang paghahanda ng MMDA upang matiyak ang katiwasayan sa piyesta.

Una nang tinaya ni Quiapo Church Rector Msgr. Clement Ignacio na posibleng madagdagan pa ng tatlong oras o maging kabuuang 18 oras ang traslacion ng imahe mula Quirino Grandstand papuntang Quiapo Church.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *