Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Petron, TNT llamado sa laban

KAPWA pinapaboran ang Talk N Text at Petron Blaze na makaulit kontra magkahwalay na kalaban sa double header ng PLDT myDSL PBA Philippine Cup mamaya sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Makakatagpo ng defending champion na Tropang Texters ang Air 21 sa ganap na 5:45 pm at magtutunggali ang Boosters at Barako Bull sa ganap na 8 pm.

Kapwa tinalo ng Tropang Texters at Boosters ang kanilang mga karibal sa unang pagkikita. Dinaig ng Petron ang Barako Bull, 96-90 noong Disyembre 4 samantalang tinalo ng Talk N Text ang Air 21, 87-82 noong Disyembre 22.

Napatid ang seven-game winning streak ng Petron nang ito’y padapain ng Rain Or Shine, 99-95 noong Disyembre 21. Apat na araw matapos iyon ay natalo muli ang Boosters sa Barangay Ginebra, 97-83.

Nakabawi ang Petron Blaze sa mga kabiguang iyon nang magwagi ito laban sa Talk N Text, 105-91 noong Disyembre 28. Kung makakaulit ang Petron sa Barako Bull ay magtatabla sila ng Barangay Ginebra (9-2) sa unang puwesto.

Magbabalik matapos na hindi makapagaro sa huling dalawang games ang sentrong si June Mar Fajardo. Makakatulong niya sina Arwind santos, Alex Cabagnot, Chris Lutz at Marcio Lassiter.

Ang Barako Bull ay nasa five-way tie para sa ikalima hanggang ikasiyam na puwesto sa kartang 4-7 kasama ng San Mig Coffee, Meralco, Alaska Milk at Global Port. Galing ang Energy sa  108-95 panalo kontra sa Batang Pier.

Ang Energy ay pinamumunuan nina  two-time MVP Willie Miller, Ronjay Buenafe, Rico Maierhofer, Dorian Pena at Mick Pennisi.

Ang defending champion Tropang Texters ay galing sa 121-117 overtime overtime na panalo kontra sa Alaska Milk noong Sabado at nasa ikaapat na puwesto sa record na 7-3.  Nangungulelat ang Express sa kartang 2-8 subalit galing sila sa 105-103 overtime na panalo din kontra Globalport.

Si TnT coach Norman Black ay sumasandig kina  Kelly Williams, Jimmy Alapag, Jayson Castro, Ranidel de Ocampo at Larry Fonacier.

Makakatapat nila sina Paul Asi Taulava,  Mark Cardona, Joseph Yeo, Nino Canaleta at Vic Manuel.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …