Para kay Sean, ang Biblia ang pundasyon para sa pagnenegosyo.
Ipinaliwanag pa niya na mayroong ‘Biblical Money Code’ na nakahabi sa Eskriptura.
Ayon kay Sean, ang sinasabi niyang Biblical Money Code ang nagdala sa kanya mula sa kinikitang US$15,000 sa US$50,000 kada taon. Sinabi rin niya na ang code na ito ang nakatulong sa kanya para mapalago ang US$40,000 retirement account ng kanyang ama na maging US$396,000.
“Certain investment titans,” ani Sean , “such as Warren Buffett and John Templeton, have already used this code to amass billions.”
Inihayag ni Sean na ginagamit niya ang mga aral ni Haring Solomon, Hesus ng Nazareth, at Apostle Paul para ipakita kung paano makakawala sa ta-nikala ng pagkaka-utang—makagawa ng matinong pagnenegosyo at makalikom ng yamang may moralidad.
Ibinunyag ni Sean ang “debilita-ting ‘financial sin’ na bumubulag sa karamihan . . . at siyang sumisipsip ng 41 porsyento ng ini-pong salapi ng sinumang hindi nakaaalam.” Ang nakalilinlang sa pag-kakasalang ito ay kung gaano kainosente at ligtas sa unang matatanaw.
Sa pagwawakas, nagtatapos si Sean sa “12-12-12 plan para sa pagnenegosyo.” Ito ay simpleng step-by-step plan para magsimula sa pag-iimpok tungo sa pagiging isang negosyante at kalaunan isang philanthropist.
(Wakas)
Kinalap ni Sandra Halina