Saturday , November 23 2024

Mumbai Love, ‘di karaniwang love story

HINDI karaniwang love story ang matutunghayan sa bagong handog ng Capestone Pictures Inc., at Solar Entertainment Corporation, ang Mumbai Love na pinagbibidahan nina Solenn Heusaff at Kiko Matos at idinirehe ni Benito Bautista.

Isang romantic comedy ang Mumbai Love na tungkol sa dalawang nilalang na mula sa magkaibang kultura, na magkaibang mundo. Ang isa ay nagmula sa India at ang isa ay mula sa Pilipinas. Dalawang bansang mayaman sa mga tradisyon. Tulad ng mga ibang kuwento ng pagmamahalan, mahaharap sa matinding pagsubok ang pag-iibigan ng dalawang bida. Paano ipaglalaban ng magsing-irog ang kanilang pagmamahalan sa harap ng mga tradisyong galing pa sa mga ninuno ng kanilang mga bayan?

Si Ella (Solenn) ay isang Filipina businesswoman na umaangkat ng accessories para sa isang jewelry shop sa Makati. Dadalhin siya ng kanyang gawain sa Mumbai, India na sa hindi inaasahang pagkakataon ay makikilala ang kanyang dream boat na si Nandi (Kiko), isang Indian-Filipino businessman. Dito na magsisimula ang pagkakaroon ng problema nang biglang nagkagustuhan ang dalawa.

Ang director ng Mumbai Love na si Bautista ay nakagawa na ng maraming independent film productions sa U.S. at Manila. Kasama na rito ang Oscar-nominated film ni director Gus Van He Sant, ang Milk, na pinagbidahan nina Sean Penn at James Franco. Idinirehe rin ni  Bautista ang award-winning na documentary film na The Gift of Barong: a Journey From Within, na ngayon ay kasama sa Stanford University’s Stanford Program for International Cultural Education (S.P.I.C.E.).

Ang unang feature narrative film ni Direk Bautista, ang Boundary ay ang NETPAC Best Filmwinner sa Cinemalaya Independent Film Festival, 2011. Ang Boundary ay nagwagi rin ng Grand Jury Award for Best Feature sa Guam International Film Festival 2012. Si Direk Bautista ay nominado rin para sa Best Director para sa Boundary sa Gawad Urian Awards noong 2012.

Siya rin ang nagdirehe ng internationally acclaimed documentary film na Harana—the search for the lost art of serenade, na nagwagi ng Audience Awards mula sa mga international film festivals kasama na ang Hawaii International Film Festival noong 2012. Ang Harana ay nagkaroon din ng international premiere sa Busan International Film Festival noong 2012.

Kapwa humahanga sina Solenn at Kiko sa galing ni Direktor Bautista at aminadong marami silang natutuhan sa larangan ng pag-arte sa direktor. Bukod ditto, enjoy sila sa pagturing sa kanila na parang miyembro ng isang pamilya.

Para sa mas marami pang kaalaman ukol sa Mumbai Love, visit their website : mumbailovethemovie.com or  Twitter@mumbailovemovie Facebook@mumbailovemovie

Maricris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *