Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lovi at Rocco, exclusively dating na!

PURSIGIDO talaga si Rocco Nacino sa panliligaw sa kanyang leading lady sa katatapos na drama-serye ng GMA-7. Wala talagang paligoy-ligoy ang aktor sa pag-amin na nililigawan niya si Lovi.

Pero ayon kay Lovi, gusto muna niyang magpahinga sa pakikipagrelasyon at pagbutihin pa ang kanyang craft bilang aktres.

Hindi naiwasang maging ‘scene stealer’ nina Lovi at Rocco nang magkasabay na dumating noon sa 39th MMFF Awards Night na ginaganap sa Meralco Theater. Naka-black formal coat and tie si Rocco at si Lovi naman ay naka-glittering white long gown. Marami nga ang nakapansing bagay sila lalo pa’t kapwa sila moreno’t morena.

Umamin si Lovi na exclusively dating sila ng aktor at para sa kanya, hanggang doon muna ang kanilang closeness.

Sinabi naman ni Rocco na hindi siya nawawalan ng pag-asa kaya tuloy pa rin ang kanyang panliligaw at ang tsika, may namagitan na sa dalawa.

“Masaya kami sa anumang nangyayari ngayon at inamin ko naman na humahanga ako sa kanya. So, tingnan natin,” masayang pahayag nito.

Bilang sagot naman ni Lovie, ”I dont know, it’s not for me to say pero sa ngayon we are enjoying what we have ang let’s see if it will go somewhere,” pahayag nito na agad namang tumalima ang aktor sa pagsasabing masaya silang dalawa ngayon na hindi nila alam kung ano ang susunod na mangyayari sa kanilang dalawa. ”’Yun  naman ang masaya sa experience na ito, we never know what will happen.”

Sa ngayon, mahirap pang pangunahan ang mga pangyayari sa kanilang dalawa lalo pa’t nilinaw ng aktres na hindi sila mag-on ng aktor pero inamin naman nito na na malambing na tao ang aktor. Aniya, ”No, pero he’s very sweet naman from the very beginning.”

Alx Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …