Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hindi pa tuluyang nasunog ang tulay

SO talagang natuldukan na ang chapter ng buhay ni Danilo Ildefonso sa Petron Blaze o San Miguel Corporation nang lumipat siya sa Meralco Bolts.

Well, okay na rin iyon dahil sa nabigyan ng huling pagkakataon ang two-time Most Valuable Player na maipakitang mayroon pa siyang maibubuga. Marahil ang nangyaring hindi nila pagkakaunawaan ng SMC group ay magsilbing isang hamon sa kanya na pagbutihin ang paglalaro at nang magkaroon siya ng isang magandang farewell sa Philippine Basketball Association.

Iyon lang naman yata ang habol niya, e. Magandang exit.

Sa totoo lang, hindi naman nagkulang ang Petron sa kanya. Binigyan naman siya ng tsansang gawin ito. Ang problema nga lang ay nagtamo siya ng injuries at hindi siya napakinabangan ng Boosters.

Kung healthy lang siguro si Ildefonso, baka natulungan niya si June Mar Fajardo sa Finals ng nakaraang Governors Cup at nagkampeon sila.

Pero ganoon talaga ang buhay, e. Lahat naman ng mga star players ay tumatanda at nagreretiro.

Marahil ay nais lang ni Ildefonso na pahabain ng kaunti ang kanyang career. Pakiramdam niya ay kaya pa niya.

At naipakita niya ito nang tulungan niya ang Bolts na magwagi kontra sa Air 21 noong Sabado. Sa larong iyon ay gumawa siya ng  14 puntos, anim na rebounds at limang assists.

Dahil doon ay nahirang siyang unang Accel-PBA Press Corps Player of the Year awardee para sa taong 2014.

Puwedeng sabihing vindication yon para kay Ildefonso.

Pero siyempre, kailangan ay maging consistent siya at hindi lang isang game ang kanyang brilliance. Kailangan na matulungan niya ang Bolts na makaiwas sa maagang pagkakalaglag.

Kung magagawa niya iyon, mapapahaba ang kanyang kontrata sa Meralco.

Sigurado namang kahit na naghiwalay sila ng landas ng Petron ay hindi pa naman tuluyang nasunog ang tulay!

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …