Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dennis, nabahag ang buntot kay Angel (Matapos patutsadahang luma na ang konsepto ng serye…)

ANG soap opera ba ni Angel Locsin ang pinatutsadahan ni Dennis Trillo when he posted messa-ges sa kanyang Twitter and Instagram accounts?

Sa dalawang magkahiwalay na message kasi ay parang may pinasasaringan si Dennis na duwag namang tukuyin kung ano at sino.

“Gusto Niyo Pa Bang Makapanood Ng Mga Palabas Tungkol Sa “Kabit”? Oo o Hinde?’þ” ‘Yan ang tweet ni Dennis noong December 27.

Kamakailan lang, nag-post naman ng ganitong message si Dennis sa kanyang Instagram account, ”2014 na! Sawa na ang tao sa mga lumang concepto at napanood nang mga kwento.wala namang masama kung mag iisip ng bago diba?”

Ang alam namin ay ang  soap lang ni Angel ang may concept about kabit.

Si Angel ba ang iyong pinatututsadahan, Dennis? Pakisagot nga!

At saka bakit mo binura ang Instagram post mo? Naduwag ka ba?

Anyway, mayroong gagawing movie itong si Dennis sa Star Cinema at umuugong na babalik na siya sa Dos.

Ang alam namin ay isang movie lang ang gagawin ni Dennis sa Star Cinema at mayroon siyang naka-line-up na project sa Siete.

My Little Bossings, nilalait

ANG daming lait na review sa MMFF movie nina Kris Aquino, Vic Sotto, Bimby, at Ryzza Mae Dizon.

Bukod sa hindi raw maganda ang movie ay ang dami pa nitong commercials na ikinasar ng mga kritiko. Talaga raw pinagkakitaan ng producer ang movie sa commercial loads pa lang nito.

Actually, polite lang ang mga nag-review sa movie nina Kris. Kulang na lang ay sabihin nilang BASURA ito at hindi festival quality.

Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …