Friday , November 15 2024

Bunkhouses ni DPWH Sec. singhot ‘este’ Singson overpriced na very inhumane pa

00 Bulabugin JSY
HINDI pa raw nagbabayad ang gobyerno sa contractor na gumagawa ng bunkhouses sa Eastern Visayas kaya wala raw dapat ipag-aalala ang mga kumukuwestiyon at nagbulgar na overpriced ang nasabing proyekto.

Ang palusot ‘este’ depensa nga ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio ‘Babes’ Singhot ‘este mali’  Singson, hindi raw ‘overpriced’ kundi substandard  daw ‘yung GI sheets na ginamit ng contractor.

Fact sheet talaga!!!

Hehehehe … nag-euphemized ka pa ‘e ganon din ‘yun. Ibig sabihin pinalitan ng mas murang materyales ‘yung una  ninyong napagkasunduan.

Ano nga ang specs n’yan? Ang tawag ninyo ay family room na may sukat na 8.64 square meter (sqm). Nang pumutok ang isyu bigla ninyong ginawang 17.28 sqm at nagkakahalaga umano ng P65,750.

‘E hindi lang pala overpriced ang dapat na maging isyu dito. Hindi pa MAKATAO ‘yan. Napaka-INHUMANE sa pamantayan ng United Nations at international standards na ang minimum ay 22 sqm.

Mantakin ninyong patirahin ninyo sa ‘BARTOLINA’ ‘yung mga sinalanta ng bagyo?!

Bakit hindi kaya subukan ni Secretary babes Singhot na tumira o matulog d’yan sa bunkhouses na ‘yan?!

Mantakin ninyong gumastos ng halos P66,000 isang yunit para pahirapan lang ‘yung mga survivors.

GI sheets po ‘yan. ‘Yan po ‘yung mga lapad na yero. Mantakin ninyong paikutan mo ng yero ‘yung buong yunit ‘e ‘di napakainit no’n!

Hello Secretary Singhot ‘este’ Singson, ang Philippines po ay isang tropical country at mas madalas ay mainit dito at kung umuulan naman ay bumabagyo.

D’yan na tayo makakikita ng literal na ‘UMUULAN NG YERO’ kapag sinalanta na naman ng isang malakas na bagyo ‘yan.

Sana ibinigay n’yo na lang ‘yung P66,000 sa mga benepisaryo at ginabayan ninyo silang gumawa tapos sinuweldohan ninyo sila para kumikita rin sila.

‘E lumalabas na ang pinakita n’yo lang d’yan ‘yung contractor.

Sana ginaya ninyo ‘yung ginawa ng TZU CHI Foundation. Nang gumawa sila ng mga temporary shelter para sa mga survivor, ang CONCEPT nila COMMUNITY, hindi barracks, hindi bilangguan at lalong hindi bartolina!

Magkakadikit din ang dingding pero plywood at mayroon pang kasilyas na nakahiwalay sa paliguan. Kung mga limang taon lang ay tatagal ang nasabing ‘temporary shelter’ habang tinatrabaho ng gobyerno (kung tatrabahuin ang kanilang permanenteng pananahanan).

Pinangunahan ng Tzu Chi foundation ang pagtatayo ng nasabing mga temporary shelter kasama ang kanilang mga member/volunteers.

Pinatulong ang mga survivor sa paggawa at binibigyan ng sweldo sa bawat araw.

Bakit ba hindi ganyan mag-isip ang mga technocrat ni PNOY?

Nagiging UTAK-PALLIATIVE (tapal-tapal) ba talaga ang mga genius kapag nasa public service?!

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit tinatrabaho na nila ang isang proyekto ‘e ayaw pa nilang ayusin gayong mayroong budget ‘yan.

Mga SIR, pwede bang magpakita naman kayo ng GOOD EXAMPLE at mag-iwan ng magandang LEGACY para sa mga kabataan natin ngayon?!

Huwag naman puro BULSA ninyo ang inaasikaso ninyo. Maawa kayo sa sambayanan lalo na sa mga biktimang ‘yan ng KALAMIDAD.

Ay sus!

SINGAPORE CAR SYNDICATE NAKA-PENETRATE SA MGA CASINO
(ATTENTION:  PNP-HPG, NBI, BOC)

NAMAMAYAGPAG ngayon ang OPERASYON ng CAR SYNDICATE na pinamumunuan ng isang Singaporean.

Ayon sa ating impormante, isang taon nang bumibili ng ‘TALON’ na kotse sa mga Casino at sa ibang car dealer ang nasabing sindikato.

Ang modus operandi, bumibili ng lima (5) hanggang walong (8) yunit ng CARNAPPED at TALON na KOTSE kada linggo.

At ang paborito nilang sasakyan ay TOYOTA FORTUNER.

Kaya huwag ng magtaka ang mga banko at financing kung biglang nawawala ang mga Fortuner na naka-mortgage sa kanila.

Iniimbak muna nila ito sa isang bodega sa Cavite at ipapasok sa container van. Pipik-apin ng BROKER niya sabay deretso sa PIER at pagkatapos ay saka ipinadadala sa Cambodia.

Isang Mr. GOPI ang sinasabing head ng sindikato at ang business name na ginagamit ay GARNET & PERIDOT.

Namo-MONITOR kaya ng NBI, PNP-HPG at Bureau of Customs (BoC) ‘yan at ng Bureau of Immigration (BI).

Paging Secretary Leila De Lima!

Paging PNP Chief DG Allan Purisima!

TOURIST BELT GINAWANG BABUYAN ‘este’ PERYAHAN

“SMALL time ba talaga ang mga diskartehan ngayon sa Manila City hall?”

‘Yan po ang narinig nating feedback mula sa ilang mga dating opisyal.

Mantakin ninyong pati ‘yung TOURIST BELT ‘e tinayuan ng PERYAHAN?!

Sonabagan!!!

D’yan sa Remedios Circle sa Malate, isang tarantadong alyas MIKE ang sinabing nag-o-operate n’yang perya at kinakaladkad pa ang pangalan ni JUDE ESTRADA.

Hawak rin daw ng kamoteng MIKE, ang perya-gal sa tapat ng Mary Johnston Hospital Tondo.

Dehins ako maniwala na papatol sa ganitong small time na raket si Jude Estrada.

‘E bakit pinayagan ng City Hall ito? Sinong makapal ang mukha sa City Hall ang nagbigay ng go-signal sa peryahan ito!?

Ganyan lang ba talaga ang accomplishment ng ksalukuyang administrasyon sa Manila City Hall?!

PERYA sa TOURIST BELT?!

Tsk tsk tsk …

CONGRATS 12TH MEMBER OF THE LAGUNA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN BOY ZUÑIGA

PALAGAY natin ay lalong SISIGLA ang Sangguniang Panlalawigan ng Laguna nang maitalagang ika-12 miyembro ang kaibigan nating si Liga ng mga Barangay President Lorenzo “Boy” Baldemor Zuñiga, Jr.

Si Boy Zuñiga ay PUNONG BARANGAY ng Barangay San Ildefonso at noong Disyembre 9 ay nagdeklarang tatakbong LIGA President.

Last December 18, nakakuha ng 15 boto si Zuñiga  kontra sa 12 boto ng kanyang kalaban.

He will be the 12th member of the Sangguniang Panlalawigan ng Laguna, the 11th being Rizal Town First Councilor Jeffrey A. Palce who was earlier elected president of the Philippine Councilors League (PCL) – Laguna Chapter.

By operation of the law, Punong Barangay Boy Zuñiga will vacate his seat at the Sangguniang Bayan of Alaminos that he first (and last) attended it weekly session last Monday, December 16, to assume his post as ex-officio member of the Provincial Legislative Body, and in his place, Punong Barangay Noel Fandiño of Barangay Cuatro will assume the position of ex-officio (or 9th) member of the municipal legislative body of Alaminos.

Incidentally, though component cities, the Cities of San Pablo, Calamba, Santa Rosa and Biñan have their own respective Liga ng mga Barangay, and they are not considered members of the Provincial Federation of the Association of Barangay Captains.

Congratulations BOY ZUÑIGA!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa …

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *