Monday , December 23 2024

Saan gagastusin ang P124.9-M ng SET?

SAAN kaya gagastusin ng P124.9-M na inilaan para sa 2014 budget ng Senate Eectoral Tribunal (SET) gayung wala namang senatorial candidate na nagprotesta sa nakalipas na halalan?

Ang SET ay binubuo ng tatlong senior justices at anim na senador. Ito’y sina Justice Antonio T. Brion bilang tserman at mga miyembro sina Justice Teresita J. Leonardo-De Castro, Justice Arturo Brion, mga senador na sina Edgardo “Sonny” M. Angara, Paolo Benigno “Bam” Aquino, Pia S. Cayetano, Cynthia A. Villar, Gregorio “Gringo” B. Honasan, at Ma. Lourdes Nancy S. Binay.

Dahil wala namang nakahain o nakabinbin na kaso sa SET, hindi na ito dapat paglaan ng budget na halos P125 milyon!

Huling nagkaroon ng protesta sa SET noon pang 2011 sa kaso nina dating Sen. Miguel Zubiri at Sen. Koko Pimentel. Naresolba na ang kasong ito at na-elec na uli si Koko last year.

Walang kasong dinidinig ngayon sa SET. Kaya saan gagastusin ang budget nitong almost P125-M?

Dapat itong ipaliwanag nina Senate President Franklin Drilon at Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Pasalamatan natin si Election lawyer Romulo Macalintal sa kanyang agarang pagkuwestyon sa budget na ito ng SET ngayong 2014.

Mr. President, tiyak ikaw na naman ang mapuputukan sa isyung ito. Paki-explain!!!

Grabe na ang bentahan

ng droga at baril sa loob

ng NBP Maximum

– Mr. Venancio, sa pamamagitan ng pahayagan ninyo ay nais naming maiparating sa kinauukulan laluna sa DoJ o at sa Malakanyang ang napakatinding katiwalian ngayon sa loob ng Maximum Compound ng New Bilibid Prison (NBP). Grabe na po talaga ang bentahan ng droga dito sa loob ng Bilibid. Parang candy na ang bentahan ng droga dito. Kilo-kilong droga ang pinapasok dito. Ang empleyado mismo ang nagpapasok ng droga kapalit ng malaking halaga mula sa bigtime drug lords sa loob ng Bilibid. Hirap na hirap ang PDEA, NBI at mga kapulisan sa malayang lipunan sa pagsugpo ng droga, pero ang mga bigtime drug lord sa loob ng Bilibid ay malaya at patuloy na nagkakalat ng droga sa malayang lipunan. Ito ay nanggagaling sa mga bigtime na Chinese sa loob ng Maximum Compound ng NBP. Malaya ang mga bigtime na ito gumamit ng celfone at computer. Nakapagtataka bulag ang pamunuan ng BuCor at maging si DoJ Sec. Liela de Lima sa mga katiwalian sa loob nitong Bilibid. Marami sa inmates kapag hindi makabayad sa mga bigtime drug lords sa loob ng Maximum Compound ay pinatatapon sa medium compound dahil sa transaction sa droga. At ang nakapagtataka, kasabwat ang mga empleyado ng BuCor sa iligal na gawaing ito. Ito po ang ilan sa malalaking pangalan ng drug lords sa maximum compound, naglalakihan ang mga bahay at mga kubol sa loob ng Bilibid: Sebasian, Raymund, Boratong, Arillano, Agojo, Colangco, Baligad at Punzalan. Ilan lang po sila sa napakaraming nakapiit na bigtime drug lords dito sa maximum na patuloy parin ang transaksyon sa droga gamit ang celfone at computers. Sila ang binabagsakan ng Chinse drug lords sa loob ng Bilibid. Kalat din ngayon ang mga baril dito sa loob, binibenta ng mga empleyado – mga kalibre 9mm at .45. Andami pong baril ang drug lords dito. Bago nga mag-new year ay nagkaroon ng pagsabog sa mosque ng muslim sa loob ng bilibid. Ito ay mula sa hinagis na granada. Ganyan na po nang nangyayari ngayon dito sa loob. Sana maaksiyunan ito ni Presidente Noynoy Aquino. Thanks po.

Relkamo vs traffic enforcers

ng Cabanatuan City

– Report lang namin itong traffic enforcers dito sa Cabanatuan City. Sobra silang manghuli, laging nakaupo, nakalilim, kung may pupulutin ang drayber ng mga XLT na pasaheros tiket agad igagawad sa mga kawawang drayber. Pakiaksiyunan nga po ang mga batas trapiko ng Cabanatuan City. – From Guimba

Hindi sa kinakampihan ko ang traffic enforcers, pero hindi naman siguro sila basta manghuhuli kung walang violations ang drayber. Kaya ang advise natin sa drivers ay huwag lumabag sa batas-trapiko. Huwag magbaba o magsakay sa mga bawal na lugar. At tingnan ang rehistro ng sasakyan baka paso na para hindi maabala sa hanapbuhay sa kalsada nitong traffic enforcers. That’s it!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *