Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, ‘di pa rin iiwan ang Dos! (Kahit nakipag-dinner na kay MVP)

MARAMING nagtatanong sa amin kung totoong lilipat si Kris Aquino sa GMA 7 base na rin sa mga nasusulat na ikinataka namin dahil ang alam namin ay may offer ang Queen of All Media sa TV5 na maging business unit head.

Tinanong namin ang aming source tungkol dito, “GMA? Parang hindi naman nababanggit ‘yan. Ahh, dahil sa sitcom with Vic Sotto and Ryza Mae (Dizon), no idea pa, kasi TV5 lang ang napag-uusapan,” sabi sa amin.

For the record ay ngayong Enero 9, 2014 na ang expiration ng contract ni Kris sa ABS-CBN at ito rin ang araw ng dating nilang mag-iinang Josh at Bimby mula sa dalawang linggong bakasyon nila sa London.

Kaya aabangan ng lahat ang final decision ni Kris kung magre-renew siya sa Dos o tatanggapin na niya ang offer ni TV5 Chairman at Chief Executive Officer Manny V. Pangilinan.

At base rin sa timetable na alam namin,  sa taong 2015 pa ang planong mag-merge ng TV5 at GMA 7 kaya mukhang malabong lumipat ang TV host/actress sa Siete, tama ba ateng Maricris?

Samantala, may nakakitang nag-dinner daw sina MVP at Kris sa isang 5-star hotel noong December at hindi niya kasama ang dalawang manager at consultant niyang sina Deo T. Endrinal at Boy Abunda.

Pero base naman sa pagtatanong namin kay Boy noong huling dalaw namin sa kanya sa Ikaw Na! sa Bandila bago Mag-Pasko ay, “magre-renew ‘yan, feeling ko magre-renew ‘yan,” sabi sa amin ng kontrata sa ABS-CBN.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …