Friday , November 15 2024

Galloping Year of the Horse

GUMAPANG nang palayo ang Year of the Snake, kasunod ang mga kakambal niyang trahedya—pagkamatay at pagkawasak at katiwalian sa gobyerno.

Ang mga pangyayaring gaya ng bagyong Yolanda (Haiyan), ng lindol sa Bohol, ng paglubog sa Cebu ng M/V Thomas Aquinas, ng PDAF scam, ng problemang diplomatiko sa China kaugnay ng Luneta hostage issue at pag-aagawan sa isla, ng krisis sa Zamboanga na kinasangkutan ng rebeldeng grupo mula sa Moro National Liberation Front, ng Sabah stand-off, at nitong huli, ang pagpatay sa mayor ng Zamboanga del Sur mayor at tatlong iba pa sa NAIA Terminal 3, ay sumubok sa katatagan ng Pinoy at sa kahandaang harapin at mapagtagumpayan ang mga trahedyang ito.

Pumasok na ang Year of the Horse, tumatakbo dala ang bagong pangako ng mas mabubuting bagay.

Pinakamatino ang selebrasyon ng buong Asia sa huling pagsalubong sa Bagong Taon kamakailan.

Nakalulungkot lamang na ang Pilipinas ay gumising sa unang araw ng taon na mas maraming nasugatan kumpara sa nakalipas na mga taon.

Bagamat wala naman talagang paraan upang tuluyan nang matigil ang tradisyon ng pagtiyak na may literal na pasabog ang huling gabi ng taon, umaasa ang Firing Line na hindi mapatutunayan sa bagong bilang ng mga nasugatan ang muling pagkabuhay ng interes ng mga Pinoy sa paputok at baril.

Isang matiwasay at humahagibis na Year of the Horse na lang siguro.

***

Hindi na nakapagtatakang bigo ang Department of Justice (DoJ) at National Bureau of Investigation (NBI) na tugunan ang rekomendasyon ng Senado na tugisin ang hinihinalang rice smuggler na si David Tan. Hindi nila magawang ibunyag ang tunay nitong pagkakakilanlan o matukoy ang kinaroroonan nito. Ito ay dahil ang nasabing pangalan ay alyas lamang.

Ayon sa aking mga espiya sa Bureau of Customs, dapat na imbestigahan ng DoJ at NBI ang mga transaksiyon sa negosyo ng isang Mr. David Bangayan, na gumagamit ng alyas na “David Tan”, isang karaniwang pangalang gamit ng maraming Chinese-Filipino.

Ito ay bukod pa sa katotohanang sa imbestigasyon ng Senado na nagsimula noong Setyembre 2012 at nagtapos noong Enero ng nakaraang taon, walang makapagturo kung sino ang thirty-something-year-old na negosyanteng ito.

Batid na sa customs at trading circles na ang “Tan/Bangayan” na ito ay kabilang sa umano’y nagpopondo sa mga kooperatiba ng magsasaka at sa mga kumpanya na nagsisilbing mga dummy upang makakuha ng rice import permits mula sa National Food Authority (NFA).

Kung patuloy na mangangapa ang DoJ at NBI sa kanilang imbestigasyon, posibleng matulungan sila ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pagsusuri ng huli sa tax liabilities ng sinumang Bangayan na ito.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About hataw tabloid

Check Also

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *