HAWAK pa rin ng My Little Bossings ang unang puwesto sa pangalawang araw ng Metro Manila Film Festival na nakapagtala ng gross income as of 9:00 p.m. noong Huwebes ng P35,959.66, pangalawa ang Girl Boy Bakla Tomboy, pangatlo pa rin ang Pagpag, at panga-apat ang Kimmy Dora.
Masayang sinabi sa amin ni Kris Aquino na isa sa producer ng MLB na, “break-even na Reg, P92-M (total na kinita), tomorrow (kahapon) PROFIT na!”
Samakatuwid, ang mga susunod na kita ng My Little Bossings simula kahapon hanggang sa magtapos ang MMFF plus extension ay ito na ang kita ng mga producer.
At ang kita sa last full show noong Huwebes ay umabot na sa, “final gross P42,797,200. Manila-P20,617.969 and Provinces-P22,179,231, ang ‘Girl Boy Bakla Tomboy’ ay nakakuha ng P38.8-M.”
Wala namang ibinibigay na figures ang Pagpag at Kimmy Dora sa amin kaya hindi namin alam kung magkano na ang kinikita ng pelikula.
Full pack naman ang last full show (10:35 p.m.) ng Girl Boy Bakla Tomboy sa Greenhills Theater noong Huwebes. Dapat sana sa Gateway Cinema kami manonood, pero sobrang haba na naman ng pila at hindi na namin pinangarap tumayo ng mahigit isang oras tulad sa unang araw ng MMFF.
Kaunti lang ang seating capacity ng Promenade Theaters kaya’t madaling na-sold out ang Kimmy Dora: Ang Kyemeng Prequel, My Little Bossings, GBBT at hindi naman puno ang Pagpag, Shoot to Kill: Boy Golden, at 10,000 Hrs. Hindi palabas sa Greenhills ang Pedro Calungsod at Kaleidoscope.
Reggee Bonoan