Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angeline, tampok sa Wansapantaym

MAPAPANOOD si Angeline Quinto ngayong gabi sa Wansapanataym, ang tema ay pagpapatawad at patuloy na pagsusumikap para sa mas magandang buhay ang New Year’s resolutions na ibabahagi sa TV viewers.

Gagampanan ni Angeline sa Ang Bagong Kampeon sa Bagong Taon episode ang karakter ni Melody, isang dalagang nabigong maging sikat na singer dahil sa paninira ng iba.

Paano maaalis ni Melody ang galit sa kanyang puso upang tuluyan nang mapatawad ang mga nakasakit sa kanya? Magiging lubusan ba siyang masaya sa bagong buhay niyang nabuo sa tulong ng isang mahiwagang imahe?

Makakasama ni Angeline sa Ang Bagong Kampeon sa Bagong Taon episode sina Dianne Medina, Liezel Garcia, Jeffrey Hidalgo, Amy Nobleza, Marlan Flores, at Kyline Alcantara mula sa panulat ni Cris Lim at direksiyon ni Trina Dayrit.

***

KUWENTO ng bagong buhay at pagbangon ang ihahatid ng The Bottomline With Boy Abunda ngayong gabi (Disyembre 28) sa year-end special nito tampok si Rodelio ‘Dondon’ Lanuza, ang overseas Filipino worker (OFW) na nahatulan ng parusang bitay sa Saudi Arabia.

Tuklasin sa Bottomline ang mga pinagdaanan ni Dondon mula sa pagpaslang niya sa isang Saudi national na umano’y pinagtangkaan siyang gahasain, hanggang sa pag-iipon ng kanyang pamilya ng P35-M  ‘blood money’ na naging kapalit ng kanyang kalayaan.

Paano nalampasan ni Dondon ang lahat ng pagsubok sa kulungan sa loob ng 13 taon? Hindi ba niya naisipang isuko ang buhay at tanggapin na lamang ang parusang inihatol sa kanya?

Makialam sa mga usaping panlipunan at huwag palampasin ang 2013 CMMA Best Talk Show at PMPC Best Public Affairs Program na The Bottomline With Boy Abunda ngayong Sabado ng gabi, pagkatapos ng Banana Split. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …