Monday , December 23 2024

The year that was

ILANG araw na lang, magpapalit na ang taon, at sasalubungin nating  mga Pinoy ang 2014.

At gaya nang nakagawian, bago magpalit ang taon, isa nang tradisyon ang paglalatag ng mga kaganapan na lubhang tumimo o nag-iwan ng malaking bakat sa nakalipas na 2013 ‘di lamang sa showbiz kundi pati na rin sa mga kaganapan na nakalikha ng malaking pagbabago sa kasaysayan ng bansa.

Nangunguna ang mga nakahihindik na senaryong iniwan ng bagyong Yolanda, na hindi lang sa bansa bumantad kundi pati buong daigdig ay naging bahagi ng isang malawakang pagtulong sa mga sinalanta ng sinasabing pinakamalaki at pinakamalupit na kalamidad na tumama sa bansang Pinas, partikular sa mga taga-Silangang Samar at Lungsod ng Tacloban, maagang bahagi ng Nobyembre 2013.

Sinusulat ang pitak na ito, hindi pa rin mati-yak kung ilang libong katao  na ang namamatay dulot ni Yolanda, dahil hanggang sa ngayon, marami pa rin ang hindi nakikitang bangkay.

Ikalawa, ang mapamuksang lindol na nagtala ng 7.2 magnitude na tumama sa Bohol at Cebu, Oktubre 15, 2013.

Mahigit dosesang simbahan, karamihan ay naitayo panahon pa nang mapanakop na Kastila, ang gumuho at pati ang kinikilalang Seven Wonders of the World na Chocolate Hills sa Carmen, Bohol, ay nagiba at maraming dalampasigan ang umurong ang lupa.

At matapos ang mga kalamidad na likha ng kalikasan, pangatlo ang nakapagngangalit na anomalya na likha ng isang Janet Lim-Napoles, sangkot ang P10 bilyon pork barrel scam na kakontsaba ang  ilang mambabatas sa Mababang Kapulungan (Lower House) at Senado (Upper House), sa pinakamalaking kasaysayan ng pandarambong sa pondong galing sa priority development allocation fund o PDAF, ng mga mambabatas na nakalaan sana para sa mga proyektong pakikinabangan ng mamamayan o ng kanilang mga nasasakupan.

Naatim ng mga mambabatas na mawalan ng mahalagang silid-aralan ang milyong kabataan Pinoy na nagtitiis na magdaos ng kanilang klase sa ilalim na puno ng niyog sa mga liblib na kanayunan.

Natiis ng mga mambabatas na daan-daan sa ating mga kababayan ang hindi man lang nakakita ng mga doktor bago manlang sila bawian ng buhay.

Yes, Virginia, lumutang ang kawalang-konsensiya ng mga umaastang magigiting na mambabatas na pinangunahan ng mga Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, Ramon ‘Bong’ Revilla, at lan pang kongresista, na nakipagkontsabahan kay Janet Lim-Napoles, para pondohan ang kanyang mga bogus na foundation.

Salamat sa mga Benjur Luy at iba pang kasamahan, sa kanilang tapang para ibulgar ang nasabing anomalya at ngayon ay kinasuhan na sa Ombudsman ang mga mambabatas na mandarambong sa kaban ng bayan.

Harinawang hindi matabunan ng lindol at mga labi ni Yolanda ang mga sangkot sa P10-B pork barrel scam.

Yes, Virginia, isa pa rin si Lolita Solis, sa lumantad na nakinabang sa ‘dambong na yaman’ ni Napoles, dahil malapit na magkaibigan ang mga alagang artista ni Solis kay Napoles, ang mag-asawang Bong at Lani Revilla aka Jose and Candy Revilla ng Imus, Cavite.

Ay, bigla kong naalala ang Manila Film Festival 1994 awards scam, na si Lolit Solis ang utak.

Ang ika-lima ay ang napaka-kontrobersyal na hiwalayan blues ng kuno’y mag-dyowang KC Concepcion at Piolo Pascual.

Huhuhu! Talagang krayola galore ang panganay na anak ni Gabby Concepcion kay Sharon Cuneta nang kanyang matuklasang merong ibang kasiping ang kanyang knight in shining armour, tienes.

Ang ika-anim na malaking alingasngas ang paglabas ng pagiging arogante ng isang Vice Ganda, dahil sa kanyang panlalait kay Jessica Soho, sa ginawa niyang pambababoy sa nasabing news anchor ng GMA-7, sa kanyang huling concert sa Big Dome.

Ang ika-pito ay ang ‘sang iglap na pagpapakasal ni Ai Ai delas Alas sa isang lalaki na higit mas bata sa kanya ang edad, na nauwi rin sa hiwalayan.

Sus, katako’t takot na luha at hilahil ang dinanas ni Aileen na hindi na talaga nadala sa relas-yong naging mapakla simula pa kay Miguel Vera.

Of course, ika-walo at hindi maaaring maitsapwera ang sigalot nang hiwalayan nina James Yap at Kris Aquino, na humantong pa sa korte at ang higit na nagsakripisyo ay ang walang malay na si James ‘Bimby’ Yap.

Oh yes, pang-siyam naman ang hiwalayan blues nina Nikki Gil at ng singer na si Billy Joe Crawford.

Oo naman, pang-sampu, at hindi rin nagpahuli ang separation kuno nina Luis Manzano at ng dalagang-inang si Jennylyn Mercado matapos ang halos dalawang taong tikiman blues.

At ang demandahan na nauwi rin sa pagbabati nina Nadia Montenegro at Annabelle Rama ay malaking istorya rin.

Oo, isama na natin ang panghahabol ni Bisaya sa namayapang si Chito Alcid doon sa lamay ni Dolphy na nauwi rin sa pagbabati kalaunan.

Kung tutuusin, higit pa sa dalawampo ang ating maitatala bilang pangunahing istorya sa loob at labas ng showbiz sa nakaraang 2013.

Art Tapalla

About hataw tabloid

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *