ANG money and abundance area (Southeast kung susundin ang classical feng shui bagua) ay pinakamainam na lugar na dapat ilagay ang inyong citrine. Maraming traditional feng shui cures na may citrine (o crystals na mukhang citrine) – mula sa red tassels na may maliit na citrine wealth vase symbols hanggang sa citrine crystals trees, pi yao/pi xiu, wu lu (gourds), ingots at iba’t ibang animal carvings.
At siyempre, katulad ng iba pang may kaugnayan sa feng shui – lalo na sa modern application ng old, traditional schools base sa Chinese culturaly specific symbols, ikaw pa rin ang masusunod. Kung sa inyong palagay ay kakaiba ang citrine gem tree o pi yao sa inyong lugar, maghanap ng iba na sa palagay mo ay higit na nababagay rito.
Kadalasang ang ilang tumbled crystals sa simpleng bowl ay maaari nang magdulot ng beautiful energy sa alin mang lugar, sa ano mang dekorasyon at ano mang kultura.
Maraming mapagpipilian na citrine. Ang tunay na citrine cluster and towers ay bibihira lamang, kaya naman ay maaari mong piliin na lamang ang form ng tumbled (polished) rocks na higit na mura at available. May matatagpuan ka ring maraming carvings ng citrine – mula sa angels hanggang sa iba’t ibang power animals.
Higit na mapakikinabangan ang enerhiya ng citrine kung susuutin ang crystals bilang jewelry. Dahil ang citrine ay iniuugnay sa third chakra – kompyansa sa sarili at power issues – ang mahabang kwintas na may citrine pendant ay excellent piece ng jewelry.
Maaari ring may matagpuang iba’t ibang citrine bracelets, kadalasang may kasamang iba pang beads at stones, katulad ng Dzi beads, halimbawa, clear quartz o hematite.
Lady Choi