Sunday , December 22 2024

Rehab effort ng gobyerno sa Zambo tatasahin ng Pangulo

NASA s’yudad ng Zamboanga si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III upang i-assess ang rehabilitation effort ng gobyerno, matapos ang tatlong buwan insidente na standoff ng pwersa ng gobyerno at Moro National Liberation Front (MNLF).

Sa pagdating ng Pa-ngulo sa siyudad, agad siyang nakipagpulong sa kanyang cabinet secretaries at ilang mga lokal na opisyal kabilang si Mayor Beng Climaco para hingan ng update hinggil sa reco-very and reconstruction program ng gobyerno.

Kasama ng pangulo sa Zamboanga sina Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman at Defense Secretary Voltaire Gazmin.

Nakatakdang inspek-syonin ng Pangulo ang itinayong bunkhouse sa Don Joaquin Enriquez Memorial Sports Complex na pansamantalang tinutuloyan ng 17,000 pamilyang naapektohan sa standoff at sunog sa apat na barangay noong Setyembre.

“Philippines’ Disaster Capital”

BANSAG SA LEYTE AYAW NG PANGULO

HINDI natuwa  ang Palasyo sa bansag na “Philippines’ Disaster capital” ang Leyte dahil hindi naman dapat ipagdiwang ang dagok ng kapalaran sa mga apektado ni Yolanda.

Sa kabila nito, ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., puwedeng paghugutan ng ins-pirasyon o ituring na mo-delo ang pagtugon sa kalamidad ng mga taga-Leyte, lalo na sa Guinsaugon na libo-libo ang namatay sa landslide at sa Ormoc dahil sa flashfloods.

“Dahil po sa kanilang karanasan, ‘yung local government at mga civil society organization sa Guinsaugon at St. Bernard, Southern Leyte ay nagta-tag na po ng mga sistema at proseso na kino-consi-der pong best practices o modelo po sila sa aspetong ‘yan. Ganoon din po doon sa Ormoc na noong 1991 ay nakaranas din ng maraming kamatayan dahil po sa flashfloods na ga-ling sa kabundukan,” aniya.

Kaugnay nito, iniha-yag ni Coloma na magbibigay ng technical assistance ang Amerika sa Fi-lipinas matapos magpulong sina Finance Secretary Cesar Purisima at Treasury Secretary Jack Lew sa Washington, DC kamaka-lawa.

Kabilang sa naturang technical assistance, ang bagong sistema, pagsasanay sa mga tao para sa pagharap sa recovery at reconstruction sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad.

“Ang kanilang tinalakay ay kung paano maiibsan ‘yung mga masamang epekto ng mga na-tural disaster sa pama-magitan ng tinatawag nilang fiscal risk management para po sa konsepto ng insurance. Kaya po nagkaroon ng konsepto ng insurance ay para mapag-handaan ‘yung pagdating ng mga kalamidad at mapabilis ang recovery sa mga apektado,” ani Coloma. (R. NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *