KORONADAL CITY – Umabot sa 80 pamilya ang lumikas dahil sa nangya-ring enkwentro ng dalawang grupo mula sa 105th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Rajah Buayan, Maguindanao.
Ayon kay Rajah Bua-yan Mayor Zamzamin Ampatuan, nag-ugat ang kaguluhan sa isang kaso ng pamamaslang sa ka-tabing bayan ng Mamasapano sa naturang probinsya.
Nananiwala naman ang opisyal na paghihiganti sa pagkamatay ng kanilang kasama ang dahilan ng sagupaan.
Sa ngayon ay na-kikipagnegosasyon na ang ground leaders ng nabanggit na grupo para maayos sa lalong mada-ling panahon ang bakbakan.