Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wishing all of us a Merry Christmas

TAYO ay nagpapasalamat sa isang taon na namang pagsubok at blessing na natatanggap natin sa bawat buhay natin.

Nakalulungkot lang dahil sunod-sunod ang mga trahedya sa ating bayan partikular na ang pinakamasakit sa lahat itong si Yolanda na napakaraming namatay na halos pabura na ang buong Visayas region pero life must go on sa ating lahat.

Sana naman wish ko lang sa Paskong ito magkaisa na ang bayan at wala nang benggahan at nakikita natin na nagkakaisa pa rin ang mga Pilipino.

Sana ‘yung mga politiko na nagpayaman sa kanilang posisyon ay magbago na lalong-lalo na ‘yung mga nasasangkot sa PDAF Scam.

Ako’y naniniwala na magiging matagumpay pa rin ang magandang pamumuno ni Pangulong Noynoy Aquino na alam naman natin na seryosong wakasan ang kuropsyon sa ating bansa.

At nakikita naman natin ang mga accomplishment ng kanyang administrasyon.

Buti na lang nakaagapay palagi ang kanyang mga gabinite particular na si Secretay Mar Roxas at nakita natin na halos walang Christmas party ang mga government agencies at bagkus nagsimba na lang sila at pinamahagi ang pera sa Yolanda Victims.

Sa mga nawawalan ng pag asa sa buhay huwag kayong mag-atubiling magdasal at ‘yan ang sandata ninyo sa inyong buhay.

Maraming accomplishment ang Aquino Administration andyan din ang palaging nakatuwang na si GM Angel ‘Bodet’ Honrado, ang AFP, PNP at ang NBI na nagiging matatag.

Sunod-sunod din ang kanilang accomplishment na halos hindi na mabilang sa pangunguna ni OIC Director Atty. Medardo De Lemos.

Andiyan din ang BIR sa pangunguna ni BIR Kim Henares at Deputy Commissioner Estela Valdez na sagad sa trabaho at walang kapaguran.

Sa Paskong ito magsama-sama tayong lahat upang ibangon ang ating bansa.

Magmahalan, magbigayan, at tumulong sa mahihirap.

‘Yan ang tinatawag na Pasko ng ating puso dahil ang ating puso ay si HesuKristo.

****

Binabati ko rin ang mga kapatid ng ating Pangulo na si Mam Balsy, Mam Pinky, Mam Biel at Kris dahil sa kanilang pagkakawanggawa sa ating bansa na tinutulungan ang ating mahal na Pangulong Noynoy.

Ganondin itong anti Organized Crime Division sa pangunguna ng ating butihing kaibigan na si NBI Special Investigator Aldrin Mercader na talagang nag- champion din sa shooting competition at siya ang kauna-unahang lumusob sa bahay ng mga Ampatuan sa Maguindanao.

Sa lahat ng government agencies sana magnilay-nilay tayo at huwag ibulsa ang para sa bayan.

Mabuhay ang Pilipinas. Merry Christmas and Happy New Year.

God bless us all!

Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …