Friday , November 22 2024

Gov. ER, tiniyak ang panalo ni KC!

NAGBIBIRO lang si Gov. ER Ejercito sa pagsabing magkatulad sila ni Kris Aquino na Nostradmus dahil nabanggit nito ang tiyak na panalo ni KC Concepcion sa pagka-Best Actress sa darating na 39th Metro Manila Film Festival Awards Night 2013.

Matatandaang nagbigay din noon ng katiyakan si Kri na mananalong Best Actor si Dingdong Dantes sa Dalaw, isang pelikulang kalahok noong sa nakaraang pestibal. Sinabi pa ni Gov. ER na kapag natalo raw ang aktres, may dayaang naganap.

Aniya,  “magaling talaga si KC, magaling talaga. Itong behikulong ito, pam-best actress talaga. ‘Yung script was tailor-made for KC.”

Sa panayam naman kay KC, sinabi nitong, ”Ayaw ko pong masyadong mag-expect. Ahhh …, pero thank you. Thank you po talaga. Napakalaking bagay, feeling ko nomination na po talaga ‘yung moment na ‘yon.”

Umaatikabong halikan

Balitang umaatikabong halikan ang ginawa rito nina Gov ER at KC na ayon sa una, binibigyan lang nila ng justification ang istorya, ”kasi gangster, hindi puwedeng walang kissing scene sa buhay-gangster. Pinag-aral ko pa siya rito ng martial arts—paano bumaril, paano sumuntok, sumipa. Napakaganda ng kanyang fight scene.”

Sa puntong ito, gaano kasiguradong tiyak na ang panalo ngayon ni Gov. ER bilang Best Actor dahil walang pelikulang panlaban si Dingdong ngayon?

“Ayaw ko nang umasa sa pestibal. Basta sa ‘Kingpin’, sa ‘Asiong Salonga’, apat na beses akong nakakuha ng Best Actor trophy doon, sa Star Awards, sa Famas, Luna, Gawad Pasado, masaya na ako roon. Nadali lang ako sa festival. Sa ‘El Presidente’, nakatatlo naman ako—Star, Famas at isa pa. Ngayon, mabigat din ang kalaban, nariyan si Robin Padilla (‘10000 Hrs’), si Roco Nacino (‘Pedro Calungsod’), ayaw ko nang umasa.”

Kasabay dito ang litanyang, sumama ang kanyang loob noong nakaraang taon pagdating sa bigayan ng parangal. Ito ‘yung Fernando Poe, Jr. Award na hindi siya makapaniwala na hindi  ang El Presidente ang binigyang nito. ”Hindi ako makapaniwala roon sa FPJ award na ‘yun na ibinigay sa pelikulang tungkol sa adultery kasi binasa nila eh, ‘The FPJ Memorial Award will go to a historical film that inspires national patrimony’ eh, nag-iisa lang kaming historical film last year, ‘di ba? Historical ba ‘yung ‘One More Try’?” seryosong pahayag nito pero bigla naman itong nagpatawa, ”I don’t want to try anymore!”

‘Di tamang hatian ng bilang ng sinehan

Sa ginanap na preskon ng Boy Golden ay hindi nito napigilan ang sarili na ibulalas ang sama ng loob dahil sa kanyang nadiskubre na may kinalaman sa hatian ng mga sinehan. Aniya, kawawa ang mga katulad nilang hindi major outfits tulad daw noong nakaraang taon na pinalad ang dalawang pelikula (Vice Ganda at Vic Sotto) na nabigyan ng maraming mga sinehan samantalang silang malilit na producer ay kaunti lamang.

Aniya, ”Sana ‘yung bunutan (ng mga sinehan) ay buong Pilipinas. Kasi biro mo after the first day of showing, sasabihing malakas ito, malakas ito eh, kawawa naman ‘yung iba. Sila, silang dalawa top two, top three big stars at big productions eh, ahhh, ang sinehan one hundred plus eh kami 44.  Paaano naman kami sasabay?

“Sa Metro Manila, sabay kaming 44, pagdating sa probinsiya, over-all, siyempre, kukunin ang total ng kita niyan, siyempre, mas malaki ang kita niyong Vic Sotto at Vice Ganda. Ang daming sinehan eh, common sense lang he he he .”

Pagkatapos ni Asiong Salonga ng Tondo ng 1950’s, ang pelikulang kanyang lahok ngayong MMFF ay base sa buhay ni Arturo Forcuna alyas Boy Golden noong 1960’s naman. Siya ay dating dance instructor sa Grand Opera House at nagturo ng pagsasayaw sa mga show girl ng Grand Opera House at at saka naging gangster.

May moral lesson ang mga pelikula

Hindi kaya makasira sa imahe ng gobernador ang mga ginagampanang  papel na hoodlum sa pelikula?

“Wala tayong magagawa eh, gusto ng fans ko sa social media eh, ganster ako pero sinisiguro ko naman na may moral lesson tulad ng ‘nabuhay siya sa baril, sa baril din namamatay,’ crime does not pay’ ‘di ba?  ’Keep your friends closely but your enemies closer,’ may moral lesson. Hindi lang entertainment, may message.”

Ang Boy Golden ay isa na namang pelikulang makadaragdag kulay sa darating na Metro Manila 2013 na magsisimula ngayong Decemebr 25 sa direksiyon ni Chito Rono. Ito ay handog ng Viva Films at Scenema Concept International, Inc and aside from Jeorge at KC, mayroon itong powerful cast headed by John Estrada, Tonton Gutierrez, Eddie Garcia, Gloria Sevilla, Leo Matinez, Jhong Hilario, Baron Geisler, Joem Basco, Roy Vinzon at marami pang iba.

Alex Datu

About hataw tabloid

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *