Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vivian, powerful na kontrabida sa Maria Mercedes

VERY powerful bilang kontrabida si Ms. Vivian Velez sa Mexican teleseryeng Maria Mercedes ni Jessy Mendiola. Nag-swak sa kanyang  personality ang character ni Dona Malvina, mother ni Jake Cuenca na kalabang mortal ni Ariel Rivera (brother-in-law). Ang lakas ng presence ni double V tuwing ka-eksena niya sina Ariel, Jessy, Jake and Nikki Gil. Keri-keri nito ang role na kanyang pino-portray lalo na ang back-to back scene nila ni Vina  Morales.

In fairness, parehong magaling sina Ms. Vivian at Vina sa confrontation scene nilang dalawa same with Jessy. Matindi ang eksena, very powerful. Wala kang itulak-kabigin sa husay at galing nila sa pag-arte.  Walang regrets ang buong production  ni Direk Chito Rono, creative department nang kunin nila si VV.

Kahit kailangan pa nilang hintayin ang availability ni VV sa kabilang estasyon bago sila makapagsimulang mag-taping.

Sobrang thankful si Ms. Vivian kay Direk Chito na siyang kumuha sa kanya to play Malvina sa nasabing show. Say ng actress, ”I love my character, napaka-challenging ‘yung role. Ang sarap paglaruan ng character ko. Palagi akong galit na nagtataray, tuwing eksena na namin nina Ariel at Jessy. After the take, nagtatawanan kami.”

Naaawa nga si Ms. Vivian kay Jessy nang kunan ang dramatic scene sa hospital na kailangan pagtulungan nila ni Nikki bugbugin at alipustahin ang dalaga.

Gusto ni Direk Chito maging makatotohanan ang eksenang sasabunutan, sasampalin nila ang young actress. Kailangang maramdaman ni Jessy ‘yung pain na ginawa sa kanya ng dalawa. Epek ever, habang nagda-dialogue si Jessy  tumutulo ang luha,” Pagbabayarin ninyo ito, isinusumpa ko.

“Magaling  na  artista  si  Jessy,  naibibigay niya ‘yung emotion na gustong makit a sa kanya ni  Direk Chito. Maging kaming ka-eksena niya, nararamdaman  namin ‘yung character na ginagampanan niya. In this teleserye, ipakikita ni Jessy, she can be a good actress,” papuring sabi ni Ms. Vivian.   (EDDIE LITTLEFIELD)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …