OKEY naman ang kanyang movie na “10000 Hours” base sa true-to-life story ni Sen. Ping Lacson. Pero hindi maiwasan ni Robin Padilla namag-alala sa tindi ng mga makakalaban sa Metro Manila Film Festival.
Kabilang ang pelikula niya sa 8 official entries kaya takot siya na mag-flop ito. Hindi lang kasi ang “Girl, Boy, Bakla, Tomboy,” “My Little Bossings” at “Pagpag” ang malalakas ang dating at inaabangan panoorin ng lahat. Kundi maging ‘yung Shoot To Kill: Boy Golden ni Gov. ER Ejercito a.k.a Jeorge Estragan at KC Concepcion ay matindi rin ang impact sa moviegoers.
Tuwing ipinapakita ang trailer sa TV at sinehan talagang napapahanga sila sa ganda ng pelikula na idinirek ni Chito Rono. Bagama’t si Joyce Bernal ang director ng 10000 Hours ni Binoe parang may kulang sa movie na mabibitin ang manonood. Baka isa ‘yan sa factor kaya may feeling si Robin na baka hindi nga sila tangkilikin ng publiko. Pero let’s hope for the best at sana kumita ang lahat ng mga kalahok sa nasabing festival para happy.
Oo naman gyud!
UNITED NATIONS, NAKULANGAN SA AKSYON NI PNOY SA KASAGSAGAN NI ‘YOLANDA? ABANGAN SA THE BOTTOMLINE
Haharap sa “The Bottomline With Boy Abunda” ngayong Sabado (Disyembre 21) ang United Nations (UN) High Commissioner for Refugees representative na si Bernard Kerblat upang ibahagi ang kanyang pananaw sa mga kontrobersiyang naglabasan kaugnay ng relief efforts para sa mga survivor ng super bagyong Yolanda.
Ano ang balak gawin ng UN upang masigurong makararating sa mga tunay na nangangailangan ang donasyon na galing sa iba’t ibang bansa? Sang-ayon ba siya sa opinyon ng ilan na kulang ang aksyon ng administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino?
Sa kanyang palagay, ano ang pinakamahalagang aral na iniwan ng bagyong Yolanda sa mga Filipino? Makialam sa mga usaping panlipunan at huwag palampasin ang 2013 CMMA Best Talk Show at PMPC Best Public Affairs Program na “The Bottomline with Boy Abunda” ngayong Sabado ng gabi, pagkatapos ng “Banana Split.”
Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
BRAND NEW SUZUKI MOTORCYCLE AT P30K IPINAMIMIGAY SA WEEKLY WINNER SA “THAT’S MY TAMBAY”
Mas mapapabilis na ngayon ang paghahanap ng trabaho ng sino mang mapalad na maging weekly winner sa isa sa pinakasikat na segment ngayon sa Eat Bulaga na “That’s My Tambay.” Bukod sa cash prize na P30K na pwedeng mapanalunan ay may brand new Suzuki Shooter Motorcycle pang premyo sa kanila ang Bulaga. Weekly ang pamimigay ng motorsiklo ng nasabing number one and longest-running noontime variety show. Dahil may motorsiko na si Dabarkads na tambay aba’y mas marami siyang oportunidad na makapili ng trabahong kanyang inaasam. Very touching ang bawat kuwento ng mga contestant at lahat sila ay isa lang ang hangad ang makatulong sa kanilang pamilya. Nariyan ang Eat Bulaga para matupad ang pangarap ng bawat isa. Malaking cash prize na P20K ang ipinagkakaloob sa mapipiling daily winner sa “That’s My Tambay.”
Kaya Tambayers sali na!
Peter Ledesma