Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rhian at KC, ba-bye na sa isa’t isa

SPLIT na sina Rhian Ramos at KC Montero. Ano ba naman ang bago roon eh simula pa lang naman niyong sabihing nagliligawan na sila, marami na ang nagsasabing hindi rin naman magtatagal ang kanilang relasyon. Para kasing hindi seryoso talaga eh.

Noong magligawan silang dalawa, katatapos lamang ng relasyon ni Rhian kay DJ Mo, o Mohan Gumatay. Masama ang kanilang naging split dahil kumalat pa ang mga nakasisirang video na umano ay kumalat dahil may nakakuha mula sa isang laptop ni Gumatay na ibinenta. Hindi ba malabo iyong magbebenta ka ng laptop na may mga ganoong files na hindi mo muna binubura. Pero mabilis ngang kumalat iyon. Hindi mahalay pero tsismis kasi eh. Inakusahan siya nang hindi maganda ni Gumatay.

Idinemanda nga niya si Gumatay, pero natakbuhan siya niyon dahil nakalayas na patungong US bago niya naisampa ang demanda.

Noong panahong iyon, kailangan ni Rhian ng makakapitan, na siya namang pagpasok sa buhay niya ni KC, na kahihiwalay lang din naman kay Geneva Cruz.

Masasabi nating maliwanag na nagkatagpo silang dalawa sa panahong pareho pa silang may nadaramang sakit mula sa nakaraang affairs. Naging mabilis ang kanilang pagkakasundo, pero aasahan mo nga bang tatagal ang ganoong relasyon?

Basta natulungan na nila ang isa’t isa na mawala ang sama ng loob dahil sa nagdaang affair, diyan na ngayon papasok iyong totoong pagkilatis nila sa isa’t isa. Siguro nga nang dumating naman ang panahong iyon, na nawala na iyong hurt feelings at nakilatis na nila ang damdamin at pagkatao ng isa’t isa at saka nila natuklasan na hindi pala sila bagay.

Kung dumating na ang puntong iyon, ano pa nga ba ang gagawin mo kundi makipag-split.

‘Pag-forecast na best actress si KC, ‘di nakatutulong

PARANG unfair naman sa ibang mga artista iyong sinasabing sa darating na festival ‘pag ‘di naging best actress si KC Concepcion, siguradong nadaya.

Magaling naman talagang artista si KC, pero hindi pa naman nakikita ang performance ng iba pang mga artistang may pelikula ring kasali sa festival. Iyang ganyang mga announcement, iyan ay maliwanag na psychological conditioning. Maaga pa lang at wala pang tunay na basehan, sinasabi nang pinakamahusay si KC. Paano kung may mas magaling na iba at siyang nanalo, sasabihin na lang ninyo nadaya ngang talaga iyong bata.?

Una, walang makapagsasabi kung sino ang magaling at hindi, lalo na’t hindi naman sila kabilang sa mga hurado. Wala kasi talagang sukatan kung sino ang magaling. Kung sino ang mapipili ng mga hurado, iyon ang mananalo. Nasa atin naman kung payag tayo o hindi sa kanilang desisyon, pero hindi natin iyon mababago. Kaya iyang mga forecast na ganyan sa mga award, palagay namin hindi nakatutulong. Nagiging negative pa ang dating.

Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …