Monday , December 23 2024

Remedios Circle sa Malate naging peryahan!

ANO ba naman itong administrayon ni Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada, kinokonsintI pati ang mga peryahan kahit sa public plaza itinatayo!

Miyerkoles ng gabi nang mapadaan ako sa Remedios Circle sa Malate, Manila. Shock ako… may nakatayong peryahan! Pero walang operasyon…

Ayon sa mga napagtanungan ko roon, nag-operate na raw ang peryahan ng higit isang linggo. Natigil lang… siguro hindi nagkasundo sa ‘timbre.’

Pero sa nakikita ko that night ay naghahanda na naman pera mag-operate anytime.

Sino kayang gagong opisyal sa city hall ang nagbibigay ng permiso sa mga nagsulputang peryahan sa Maynila?

Ang public plaza sa Remedios Circle ay nagsisilbing palaruan ng mga bata, lalo na sa gabi. Nakapaikot ang ‘Bike Lane’ ng MMDA. Pinaganda at pinaliwanag ito noon ni Mayor Alfredo Lim.

Ngayon, silipin n’yo ang Remedios Circle, ang pangit at ang dumi nang tingnan!

Ito ba ang sinasabi ni Mayor Erap na “Gate of Heaven?”

Pero in fairness kay Mayor Erap, maaring hindi niya alam ang nagsulputang peryahan sa lungsod. Binubulag kasi siya ng mga nakapaligid sa kanya na puro pagkakakuwartahan at kailegalan ang nasa kokote!

Mayor Erap, gising! Pagsisipain mo na ang mga nasa paligid mong nakasisira sa iyong mga pangarap sa Maynila, Sir! Hinahanap na ng mga Manilenyo ang pangako mong gagawing Gate of Heaven ang lungsod. Go!

Reklamo ng manggagawa

ng Wanchai Tea House

– Mr. Venancio, empleyado po kami ng Wanchai Tea House (restaurant). Two years na po ako nag-work sa kompanya. Pero every Christmas po hindi kami binibigyan ng 13th month pay, maski singkong duling wala po talaga. Ano po ang dapat naming gawin? Pls tulungan nyo kami. Don’t publish my number. Salamat po. -Wanchai Tea House employee

Ang 13th month pay ay isang batas na ginawa pa ni late President Ferdinand Marcos. Compulsory ito. Dapat itong ibigay bago ang Disyembre 20. Ang problema lang ay kung talagang walang kinikita o nalulugi ang kompanya. Siguro magkaroon na lang ng heart to heart na pag-uusap ang management at mga empleyado in the spirit of Christmas.

Vendors sa Bambang Market

umaangal vs Market Master

– Mr. Venancio, parating lang po namin kay Mayor Erap. Sana po mabigyang-pansin ni Mayor ang anomalya sa Bambang Market. Tungkol po sa mga puwesto na idadagdag daw po. Masyado na po mahirap para sa aming manininda. Gusto po naming imbestigahan ang Market Master dito. Siya po ang may utak nito para pagkakaperahan ang mga puwesto. – 09154083…

‘Oplan isnaberong driver, yabang lang!’

– LTFRB at MMDA yang ‘Oplan Sita’ sa mga isnaberong taxi driver yabang at porma lang. Dito sa Sta. Cruz Chuch dami isnaberong taxi driver, tapat pa naman ng presinto ayaw magsakay. Gaya nitong EMP Taxi #UVG 158 at Princess Joyce Taxi #UWF 308ayaw nila magsakay, namimili ng pasahero. – Juan ng Tondo

Ganito ‘yan Jun, kailangan magsampa ka ng pormal na reklamo sa tanggapan ng LTFRB laban sa isnaberong taxi driver na yan. Tapos ipatatawag ng LTFRB ang driver at operator ng taxi at doon na magkakaroon ng kasuhan. Kaya kung seryoso kang mabigyan ng leksyon ang taxi driver na yan, sampahan mo ng reklamo sa LTFRB Office.

Talamak na bentahan ng shabu

at holdap sa FTI Terminal

– Mr. Venancio, isa po akong estudyante dito sa Taguig. Huwag nyo lang po ilabas ang numero ko. Dito sa FTI Terminal papasok, talamak ang bentahan ng droga or shabu. Sa pagpasok palang ng mga parokyano ay aalukin na at kapag uwian ng mga student naho-holdap. Marami nang nagrereklamo, pero takot ang mga pulis mag-raid o manghuli ng tulak.  Kung manghuli man ay binabangketa lang po, hindi tinutuluyan. Hindi na po namin alam kung saan kami magsusumbong, kasi pati pulis kasabwat na ng mga tulak dito. Pinaka-puno ng mga tulak ay isang moros na armado. Dapat PDEA o NBI na ang mag-raid dito. – Concerned citizen

Totoo ito. Dapat si Mayora Lani Cayetano ay humingi ng tulong sa PDEA o NBI o kaya’y sa Camp Crame para masuyod ang lugar na ‘yan na talamak ang shabu.

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *