Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pakistani pinatay ng kapitbahay (Alagang aso maingay)

122013_FRONT

CAMP OLIVAS, Pampanga – Patay ang isang Pakistani national makaraang barilin ng nakaalitang kapitbahay dahil sa maingay na alagang aso sa City of San Jose del Monte, Bulacan kamakalawa ng hapon .

Kinilala ang biktimang si Chaudry Hussain y Sabir, negosyanteng Pakistani, nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa ospital, pero agad nasakote ang tumakas na suspek na si Almansor Sanday y Datu Kaka, 40, jobless, tubong Talayan, Maguindanao, magkapitbahay sa Towerville Apartment sa Brgy. Gaya-Gaya.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 1 p.m. habang nagpapakain ng alagang aso ang biktima biglang dumating suspek. Galit na kinompronta ng suspek ang biktima hinggil sa pag-iingay ng aso na humantong sa kanilang mainitang pagtatalo.

Pagkaraan ay bumunot ng baril ang suspek at dalawang beses na pinaputukan sa leeg ang biktima saka mabilis na tumakas.

Sa follow-up operation ay agad nadakip ang suspek.

ni RAUL SUSCANO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …