MAKARAANG hatawin natin ang mga kabalastugan sa bakuran ngBureau of Customs (BoC) ng bagong upong si Commissioner Sunny Sevilla kamakalawa, nakatanggap po tayo ng A-1 info patungkol naman sa harapan at garapalang pangongolekta ng tara ng ilang dorobong makakapal ang mukha na nagpapakilalang mga bagong bagman ng BoC.
Attention: BoC Comm. Sevilla & DepComm. Dellosa, nakakagulat ang lakas ng loob ng mga nagpapakilalang bagman sa BoC na kinilala ng ating source na sina alias BANJO, ORDO, DANI, TROIat RONNIE.
Di alintana ng mga kolokoy ‘mainit’ na sitwasyon sa Aduana. Tila baga walang agam-agam ang mga hinayupak na maiindulto ang kanilang mga among ipinangongolektong sa ginagawa nilang kabulastugan.
Muli, uulitin natin, ang mga pamosong magnanakaw diyan sa Customs gaya nina DAVID “BIGAS” TAN at ang kapwa damuho na sina JADE SANTOS at GERRY TEBES sa rice smuggling. Gamit ng mga tarantado bilang consignees ang Graphic Star, DCE, Dan’s Bike Shop, Dong A Pharma, Copperfield, South Pacific at Optraline Marketing.
Sa assorted electronics naman, kilala ang mga tarantadong sina KING at JEFFREY na base at mga bodega sa 4th Ave., Caloocan City. Front din ng dalawang smugglers ang isang pamosong restaurant sa Ongpin.
Pagdating sa paputok o fireworks, ang gagong si VICENTE alyas “TSENG” naman ang pasimuno. Sa beauty products naman ay isang DEONG KALBO. Eto po ang iba pang pangalan ng smugglers diyan sa BoC na for sure ay alam at kilalang-kilala ng mga opisyal ng Aduana.
Raul Rodriguez, Albert Jardin,Saulong Brothers, Big Mama, Helen Tan, Maning santos, Dave Kalbo, Rudy Riga, Mary Zapata, Dan Zanches, Jimmy Tinio, Migs Santos, Daisy Laurenti, Jerry Laurente, Rose Ong, Nori Katipunan, Lucio ko, Danny Ngo, Edwin Sy, Marvic Briones, Anthony “Onion” Sy, Peter Lee, Alex Lao. Cristin ong, at Zeny Dayanghira.
At ang REYNA ng PLASTIC RESIN SMUGGLING na si THINA YU at anak na si GERI YU.
Sa Port of Clark, walang tigil ang ‘swing’ ng tropa ng ‘FE’ sakay ng CebuPac at UPS.
Ang hari ng China general ‘peke’ merchandise ngayon na si alias JERRY KWA.
Ang akala ng marami, aabutin pa ng ilang buwan bago magsilabasan sa kanilang mga lungga ang mga nabulabog na mga buwaya diyan sa BoC.
Mali pala ang sapantaha ng nakararami. Back to normal na naman ang ilang tulisan diyan sa ahensiya ni Commissioner Sevilla na protegee ni Finance Secretary Cesar Purisima.
Pero ang nakamamangha at sadyang nakagugulat pati mga bagong opsiyal ng BoC ay may nangongolekta na raw … hehehe.
Ang siste pa, dahil ‘mainit’ nga raw sa pier, siyempre taas presyo ang timbre. Bukod sa weekly na tara, ibang usapan pa pagdating sa paparating na kargamento.
Dahil peak season at nais kumita ng ‘players’ diyan sa Aduana, no choice ang mga smuggler kundi ang kumagat sa idineklarang price ceiling ng limang tarantado.
Hanep din naman pala talaga diyan sa Customs, garapalan at sadyang pakapalan ng apog. Imagine, in less than two weeks or so, umarangkada na ang mga kolektong ng mga bagong ‘diyos’ saBoC.
Sabagay, ano naman nga ang ipangsusupalpal ng mga bagong opisyal ng Customs sa kanilang mga padrinong gumawa ng paraan para sila maupo diyan sa nabakanteng posisyon ni RUFFY BIAZON.
Lalo na ngayong magpa-PASKO!
Kawawang Ruffy Biazon, isinakripisyo na, ginawa pang TANGA. Ganyan talaga ang buhay. Kanya-kanyang bulong lang at sipsip kay PNOY.
Isa pang impormasyon ay tungkol naman sa isang alyas ‘GER-BEE’ na kumakausap na raw sa mga player?
DepComm Dellosa at DepComm Nepomoceno, paki-imbestigahan ang balitang may 800 container vans na bigas? 300 sa Port of Davao , 300 sa Port of Cebu at 200 sa Port of Manila ?
David “bigas” Tan, Danny ngo-ngo at Maning Santos daw ang nasa likod nito?
May kasunod pa, abangan!
Makinig sa DWAD 1098 khz “ Target on air’ tuwing Martes at sabado 11 am -12 pm mag email sa [email protected]
Rex Cayanong