Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marian, uhaw sa publicity (Nagtawag daw kasi ng press nang mamigay ng relief goods)

TALAGA yatang uhaw sa publicity itong si Marian Something.

May nakapagtsika kasi sa amin na nagtawag daw ito ng media noong magpunta siya sa isang probinsiya kasama si Dingdong Dantes para magbigay ng relief goods at aliwin ang mga nasalanta ng bagyong Yolanda roon.

Surprised na surprised nga raw itong si Dingdong dahil hindi niya alam na may coverage.

True ba ito, Marianing?

GMA7 PR, may kinikilingan sa press

TALAGA palang may kinikilingan ang GMA-7 PR.

After the Christmas party for the press na may ipinamigay na ham ay nagbigay pa ng party ang Siete for some special members of the press.

As usual, mayroon pa ring ham pero this time may cash gifts sila.

Noong unang party ay ham lang, then may cash gifts na sa second party, hindi ba form of discrimination ‘yon?

Naku, ayaw ni Nelson Mandela ng ganyan!

Actually, mas nakaaaliw pa ang Christmas party namin dito sa Hataw dahil very generous ang publisher naming si Sir Jerry Yap. Walang umuwing luhaan, lahat happy at may second round pa ng raffles. Even the sons and daughters of Hataw employees received gifts from Sir Jerry.

Kaya ba ng GMA-7, ABS-CBN, at TV5 ang ganyan?

Senior PR ng GMA7, asal-bata

NAPRANING yata ang isang senior PR ng GMA7 sa isinulat naming gusto naming ibato sa kanila ang ham na giveaway nila.

Kung sino-sino ang kinakausap nito at parang batang nagsusumbong.

Actually, gurang na ang PR na ito pero bakit parang asal-bata pa siya? Bakit siya nagsusumbong sa mga kakilala namin, para ano?

Hindi ba’t nakatatawa na ipinagkakalat nitong matandang hukluban na ito na binanabanatan daw namin sila para makakuha marahil ng suporta at simpatya?

You call that PR?

If you are man enough ay kami ang harapin mo at nang magkasubukan kung sino ang sino!

Willie, gusto pa ring makabalik ng Kapamilya Network

WILLIE REVILLAME is still very grateful sa ABS-CBN. He acknowledges the fact na kung hindi dahil sa Dos ay hindi siya makakapagpundar ng napakaraming properties.

And this includes Wil Tower na sabi niya ay dahil sa Wowowee.

“Ngayon naman, noong lumipat naman ako (sa Singko), nakabili naman ako ng eroplano. Nakabili naman ako ng mga lupa sa Tagaytay na pinapatayuan ko naman ng five-star hotel ngayon,” sabi ni Willie.

“’Yung mga estasyon na ‘to, nabigyan ako ng magandang buhay. At siyempre ‘yung mga kababayan natin na talagang nagmahal sa akin.”

Actually, Willie is open to the possibility of working with ABS-CBN again.

Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …