Friday , November 15 2024

HK pang-blackmail ni Erap kay PNoy, maghiganti sa US

IGINIGIIT na naman ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada ang paghingi ng apology sa Hong Kong kaugnay sa 2010 Luneta hostage crisis para buwisitin si Pangulong Benigno Aquino III.

Nanindigan na si Pangulong Aquino na hindi siya hihingi ng paumanhin sa Hong Kong dahil ang insidente ay bunga ng pagkawala sa sarili ng isang dating pulis at hindi ng pamahalaan, at personal niyang sinabi ito nang magkaharap sila ni Hong Kong Chief Executive Leung Chun-ying sa Bali, Indonesia noong nakalipas na Oktubre.

Masyado namang halata na ginagamit ni Erap ang Luneta hostage crisis para pasidhiin ang alitan ng China at Pilipinas sa teritoryo sa West Philippine Sea dahil ang Hong Kong ay bahagi ng China.

Kesehodang magkagulo at maaapektohan ang kabuhayan ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong, ang importante kay Erap ay pangalagaan ang kanyang interes.

Ang usapin ay ginagawa rin armas ni Erap para mapilitan si Pangulong Aquino na impluwensiyahan ang Korte Suprema sa pagpapasya sa disqualification case laban sa kanya.

Ang isyu ay ipinamba-blackmail din ni Erap kay Pangulong Aquino para hindi makulong ang kanyang anak na si Sen. Jinggoy Estrada sa kasong plunder kaugnay ng P10-B pork barrel scam.

Lahat ng ipinagbabawal ng Konstitusyon at ng mga umiiral na batas ay gusto ni Erap na gawin ni Pangulong Aquino para paboran ang patuloy na pang-aabuso niya sa bayan.

Saan kaya humuhugot ng baluktot na katwiran si Erap para isipin na ang lahat ng opisyal ng pamahalaan at ang buong gobyerno ay may obligasyon na konsintihin ang kanyang kabuktutan?

Malinaw na pinangungunahan ni Erap ang destabilisasyon laban sa administrasyong Aquino dahil hindi na niya maikubli ang pangangatog sa pangitain na sa “tuwid na daan” ay matutuldukan na ang lahat ng kanyang kalokohan.

Si Erap at ang anak niyang si Sen. JV Ejercito ay wanted pa hanggang ngayon sa Estados Unidos bilang mga co-accused nina dating Col. Michael Ray Aquino dahil sa pakikipagsabwatan kay dating FBI analyst Leandro Aragoncillo sa kasong espionage o paniniktik.

Hindi makatatapak ang mga paa ng mag-amang Erap at JV sa teritoryo ng Estados Unidos ng Amerika kahit si Col. Aquino ay nakalaya na hangga’t hindi sila nalilitis sa kaso.

Sa isang forum ng National Press Club, Ilang buwan pagkatapos makalaya sa kulungan, pinagbibintangan ni Erap ang US government ang nagpatalsik sa kanya sa puwesto, gayong siya ay nabilanggo matapos mahatulan sa kasong plunder o pandarambong.

Ibig sabihin, ginagamit ni Erap ang Hong Kong para utuin ang China na inaakala niyang magagamit niya sa kanyang binabalak na muling pagtakbong presidente sa 2016.

Sa madaling sabi, nais niyang makapaghiganti sa Amerika.

MOTIBO NI PACQUIAO,

BISTADO NI MAYWEATHER

KAHIT anong gimik ang gawin ng kampo ni Manny Pacquiao ay hindi kakagatin ni Floyd Mayweather na mangyari ang minimithi nilang sagupaan sa 2014.

Bistado kasi ni Mayweather na gagamitin lang siya ni Pacquiao para kumita at mabayaran ang lahat ng kanyang atraso na $18 milyon US Internal Revenue Service (IRS) sa buwis mula 2006 hanggang 2010.

Hindi pa binanggit ni Mayweather na hinahabol din ng Bureau of Internal Revenue (BIR) si Pacquiao sa hindi tamang pagbabayad ng buwis na P2.2 bilyon.

Ang laban na Mayweather vs Pacquiao ay maaaring kumita ng hanggang $200 milyon kaya kung matutuloy ito mistulang nakahukay ng ‘mina ng ginto’ si Pacquiao at puwede niyang ayusin ang mga problema niyang pinansiyal.

Ang problema lang niya, ayaw ni Mayweather na pumapel na ‘tagapagligtas’ ng isang boksingerong laos na naghihikahos.

KAHANGALAN

SA POWER RATE HIKE

INAMIN ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chairman Zenaida Ducut sa pagdinig sa Senado kamakalawa na inaprubahan ng ERC ang hirit na bigtime power rate hike ng Meralco na ipatutupad sa loob ng tatlong buwan, pero kailangan pang repasuhin kung wasto ang P4.15/ kWh na dagdag singil sa koryente.

“We will look at the P4.15 if it’s the right figure.It doesn’t mean that the P4.15 had been approved. There’s still a confirmation process,” sabi ng ERC chief na isa rin sa mga sangkot sa P10-B pork barrel scam.

Ang layunin ng imbestigasyon sa Senado ay upang alamin kung nagsabwatan ang power cartel para lumobo ang presyo ng koryente at kumita sila.

Sa sagot ni Ducut na inaprubahan muna ng ERC ang power rate hike bago nila ire-review kung wasto ang dagdag na singil, malinaw pa sa sikat ng araw na siya mismo ay kasapakat ng power cartel.

At kung ang magiging konklusyon ng Senado ay walang naganap na sabwatan kaya tayo hinagupit ng power cartel ng bigtime power rate hike, ibig sabihin, moro-moro lang ang Senate probe at pinagkakitaan pa ng mga mambabatas ang dagdag na pahirap sa mga mamamayan.

Lumalabas na inunahan lang ng Senado ang Department of Energy (DOE) at Department of Justice (DOJ) na nagsisiyasat din sa posibleng sabwatan ng power cartel upang ikondisyon ang isipan ng mga mamamayan sa magiging resulta ng imbestigasyon nila na wala talagang naganap na “collusion.”

Kung mayroon man ngayon na napakasaya ng Pasko at masagana ang Bagong Taon, matatagpuan sila sa Kongreso, DOE at DOJ dahil ‘tinapalan’ na sila ng kanilang Santa Claus na si Manny Pangilinan na may-ari ng Meralco.

Para sa reklamo, suhestiyon at  komentaryo tumawag o mag text  sa 09158227400 / Email: [email protected]

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

GMA christmas station id 2024

GMA bosses, A Lister star pinagsama sa GMA Christmas Station ID

I-FLEXni Jun Nardo UMERE na  last Monday night ang GMA Christmas station ID. Pinagsama ang GMA …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald …

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *