Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gov. ER at KC, ‘di umaasang masusungkit ang Best Actor at Actress award

KAPWA iginiit nina Gov. ER Ejercito at KC Concepcion na hindi sila nag-e-expect na mananalong Best Actor at Actress para sa pelikulang Boy Golden sa darating na Metro Manila Film Festival.

Ani Gov. ER, ayaw na rin niyang umasa pa na mananalo at masusungkit ang Best Actor award.

“Hindi, masaya na ako. Marami na rin ako eh. Sa ‘Asiong,’ I got four awards. Sa ‘El Presidente’, I got three awards.”

Ayon naman kay KC, masaya na siya sa mga positive feedback na natatanggap mula sa kanyang performance sa Boy Golden.

“Ayaw ko pong masyadong mag-expect, pero thank you, thank you po talaga. Napakalaking bagay, parang feeling ko nomination na po ‘yung comment na ‘yon,”  ani KC na talaga namang ibang KC ang mapapanood sa Boy Golden dahil sa mapangahas nitong character sa pelikula.

Nariyang napapayag siyang makipaghalikan kay Gov. ER. ”Ang ganda po ng treatment ni direk Chito (Rono, director ng pelikula). Wala po kaming love scene, kissing scenes po mayroon,” paglilinaw ng aktres.

Nalaman din naming nagbuhos ng maraming oras ang aktres at pinaghandaang mabuti ang pelikula dahil ito ang kauna-unahang pagkakataong gagawa siya ng action scenes.

“Nag-training po ako ng mixed martial arts especially po ‘yung tinatawag na kali for the movie. Pero inumpisahan po ‘yan ni Ate Judai during ‘Huwag Ka Lang Mawawala,”paliwanag ni KC.

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …