Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tyrone Oneza, patuloy sa paghataw ang career! (Labas na ang first album at kaliwa’t kanan ang shows pati sa abroad)

MALAMANG na lumabas na today ang CD ni Tyrone Oneza, kaya naman, masayang-masaya ang dating member ng That’s Entertainment ni Kuya Germs.

Nasabi nga namin lay Tyrone na talagang pinagpapala siya ng Diyos sa pagdating ng maraming blessings sa kanya.

“I’m so very much excited sa paglabas ng album ko, kasi ito yung greatest dream ko talaga, ang magkaroon ng album. Dream come true po talaga ito, kaya I’m so happy, walang mapaglagyan ng kaligayahan,” masayang sabi sa amin ni Tyrone.

“Para akong nakalutang sa alapaap… magpo-promote talaga ako nang todo para s album kong ito,” dagdag pa niya.

Samantala, this December ay hahataw na naman si Tyrone sa kaliwa’t kanang shows. Pagkatapos mag-guest ni Tyrone sa concert ni Ai Ai delas Alas sa Singapore recently, magiging guest naman si Tyrone sa concert ni Lani Misalucha sa Tokyo, Japan sa December 22, 2013. Bukod kina Lani at Tyrone, tampok din dito sina Rayver Cruz, Ethel Booba, at Chubylita.

Kaya nasabi ni Tyrone na: “I’m so much blessed dahil dumami ang shows ko. Dapat isang concert lang ang gagawin namin sa Japan, pero nadagdagan nang nadagdagan.  Ngayon lang, katatanggap ko na naman ng tawag galing sa Tokyo, eight more clubs ang kumukuha sa akin. I’m very much thankful to our Lord God Jesus, kaya mae-extend ako sa Tokyo until January 4.”

Tungkol pa rin sa kanyang album, ang carrier single nito ay pinamagatang Dito Sa Aking Piling. Ang henyong composer na si Vehnee Saturno ang lumikha ng naturang awitin.

May bonus track pa ang unang album ni Tyrone na bagay na bagay ngayon dahil isa itong kantang Pamasko na pinamagatang Ikaw ang Christmas Ko. Kabilang sa mga kanta sa kanyang album ang Hanggang Ngayo’y Ikaw, Nag-Iisa Ako, Pangako, Kahit Konting Pagtingin,Nanghihinayang, at Sinta.

Kaya abangan si Tyrone sa kanyang promo ng naturang album

Salamat Hataw, salamat sir Jerry…

FIRST time naming naramdaman ang Pasko last Sunday, sa Christmas party ng Hataw. Kahit ang dalawang TV network, ang ABS CBN at TV5 ay nagkansela ng kanilang yearly Christmas party, dahil ang ga-gamiting pera para sa naturang okasyon ay idinonate na lang daw sa mga biktima ng Yolanda. Sa Hataw, tuloy ang tradis-yong nakaugalian at nakasa-nayan na, ang pagsasama-sama ng itinuturing ni Sir Jerry Yap na bahagi na ng kanyang malaking pamilya.

Kahit maraming ulit na tumulong at nag-donate sa mga survivor ng super typhoon na Yolanda ang top honcho ng publication na ito na si Sir Jerry, tuloy ang diwa ng Pasko at sobrang saya ng Christmas party ng Hataw na ginanap sa National Press Club.

Hindi lang masasarap ang pagkain, ang raffle ay dalawang round pa inabot at maraming boot ng iba’t ibang inumin, pagkain, etc.

And take note, kahit ilang beses na personal na nagdala ang Hataw team ng relief goods sa Kabisayaan-sa naturang Christmas party ng Hataw – imbesmag-exchange gift, ang lahat ay pinagdala ng mga toiletries tulad ng sabon, shampoo, toothbrush, toothpaste etcera, pata i-donate pa rin sa mga kababayan nating sinagasa ni Yolanda. So, naipakita ni Sir Jerry dito na puwede naman palang magkaroon pa rin ng Christmas party ang mga pribadong kompanya, habang nakakatulong pa rin sa mga kababayan natin sa Visayas.

Anyway, narinig ko rin na bukod sa donasyon ni Sir Jerry sa Philippine Red Cross, nagpa-concert pa sina Sir Jerry at Sir Percy Lapid at ang kinita ay pinadala pa rin sa Yolanda victims.

Kaya nais namin magpasalamat kay Sir Jerry dahil muli, marami siyang pinasaya at pinangiti sa okasyong ito, kabilang na po kami. Maraming-maraming salamat po Sir Jerry, more power po sa inyo at sa Hataw.

Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …