Wednesday , November 13 2024

Tigil-putukan sa Pasko — NPA

MAGDEDEKLARA ng tigil-putukan ang komunistang rebelde ngayong Kapaskuhan upang magbigay-daan sa pagdiriwang ng ika-45 anibersaryo ng pagkatatag ng Communist Party of the Philippines sa Disyembre 26.

Sa pahayag sa kanilang website nitong Martes, sinabi ng CPP na: “The leadership… is set to declare a ceasefire in order to pave the way for the national celebrations of the [Party’s] 45th anniversary as well as to give way to the Filipino people’s traditional observance of the Christmas and New Year holidays.”

Gayunpaman, hindi na nagbigay ng detalye ang CPP kung anong mga petsa ipatutupad ang tigil-putukan.

Nanawagan din ito sa gobyerno na ipag-utos sa Armed Forces of the Philippines na

pansamantalang luwagan muna ang opesiba mula Disyembre 26 hanggang sa mga sumusunod na araw “in order to allow… thousands of people to peacefully travel to and join the celebrations.”

Para sa pagdiriwang ngayong taon, sinabi ng CPP na inaasahan nila ang pagtitipon ng ilang daan katao sa loob ng guerrilla zones sa buong bansa.

“Travel arrangements are also being made for the revolutionary forces and guests coming in from the cities or other towns,” anila pa.

Dagdag ng CPP, magiging simple lamang ang mga pagdiriwang.

Sa mga aktibidad rin nito, mangangalap sila ng mga pondo at materyales na ipamamahagi sa mga nasalanta ng typhoon Yolanda.

About hataw tabloid

Check Also

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

GCash

Pinaghirapang pera ng GCash users dapat ibalik — Kiko

MABUTING tiyakin ng gobyerno na maibabalik sa lalong madaling panahon ang pinaghirapang pera ng ating …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

Carlwyn Baldo

Daraga Mayor Carlwyn Baldo, isinugod sa pribadong ospital

ISINUGOD sa isang ospital sa Bonifacio Global City si Daraga Mayor Carlwyn Baldo mula sa …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *