NAGING hit sa internet ang video ng isang Saudi Arabian na nag-tumbling dahil sa labis na tuwa sa naranasang unang snow sa kanyang henerasyon.
Mahigit 360,000 katao na ang nanood ng video ng isang lalaking nag-somersault na una ang ulo sa snow.
May titulong ‘This is why we don’t have snow in Saudi Arabia,’ mapapanood sa video ang lalaking nasa itaas ang mga paa habang nagtatawanan ang kanyang mga kaibigan, na kuha lamang sa camera phone.
Isinulat ni Mohammed Alobai-dan, nag-upload sa video, habang sinabi ni Darwin na ang mga tao ay nag-evolved mula sa unggoy, ang Saudis naman “came from ostriches.”
Ang snowstorm Alexa ay nagdulot ng blizzards sa Middle Eastern countries na ang ilan ay nagkaroon ng snow sa unang pagkaka-taon makaraan ang ilang dekada.
Si King Abdullah II ng Jordan ay nakunan ng camera habang tumutulong sa pagtutulak ng kotse ng isang pamil-ya na naba-laho sa snow.
Naranasan din ng Egypt ang unang snow fall makaraan ang isang siglo, ebidensya ang mga larawan ng pag-upo ng mga kamel sa snow. (ORANGE QUIRKY NEWS)