Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robin, tagumpay ni Daniel, tagumpay n’ya rin! (Sa pagtatapat ng kanilang pelikula)

MANANATILI pa rin naman daw na Kapamilya Network ang action star na si Robin Padilla. At pinabulaanan nga nito ang mga unang balitang kumalat na tinanggal siya sa sitcom na TodaMax.

“Nagpaalam ako sa mga boss doon noon. Kinailangan ko kasing magbawas ng ginagawa dahil dumating ang ‘Kailangan Ko’y Ikaw’ at ito ring ’10,000 Hours’. Pumayag naman sila. At kahit ‘yung pag-suporta ko sa soap ni Kylie (Padilla). Ang babaw naman na dahilan niyong dahil sa talent fee kaya ako umalis.

“Kung anuman ang susunod kong gagawin sa kanila, nasa pag-uusap na uli namin ‘yun. Hindi naman bumabata ang lolo niyo. Ang sa akin lang, siguro naman, sa estado kong ito, wala na ako roon sa level na kakailanganin kong maghintay sa mga katrabaho ko o ‘yung aabutin pa ako ng magdamagan sa taping. Ang hirap na sa akin ng ganon. Hindi ko na kaya ang 24 hours na trabaho.”

Pero kahit makakatapat naman ng 10000 Hours niya ang Pagpag ng pamangking si Daniel Padilla, magiging tagumpay din naman daw niya ang tagumpay nito dahil iba naman ang tema ng pelikula ni bagets.

“Siya rin ang magdadala ng bandila ng mga Padilla! At matayog, ha? Dahil worldwide!”

Hindi rin daw kailangang isiping politika ang tema ng 10000 Hours nila kahit pa loosely based ito sa ilang pangyayari sa buhay ni Senator Panfilo Lacson. Fiction din daw ito.

“Inaprubahan naman ni Senator Ping ‘yung mga idea na inihain sa kanya ng team. At kung ano ‘yung notes ko, ‘yun din ang nakalagay sa notes niya. Gusto lang naming ipakita rito ang baho ng sistema. Wala pang eleksiyon nang gawin namin ito. Kung paano niya pinatunayan na wala siyang kasalanan.”

Halimbawa raw na kunin siya ng Rehabilitatiom Czar na ngayong si Lacson na suportahan siya sakaling tumakbo sa higher position sa 2016, nakahanda na ba si Robin na ikampanya siya?

“Naku, mahaba-habang usapan po ‘yan. Matagal na akong naka-commit kay Binay. Bilib na bilib kasi ako sa nagawa na niya sa Makati. Magkakatalo na lang sa interests. Kung sino ang may magagawa na hindi lang puro laway. Sa puntong ito, hindi ang opinyon ko ang importante. ‘Yung paninindigan.”

Sa mga pagsasalita ngayon ni PNoy?

“Iisipin ko na lang na kapatid siya ni Kris (Aquino)! Mahirap kasi kaibigan ko nga si Kris. Kahit na nagtatalo kami niyon at hindi nagpapatalo ‘yun, sa dulo magkaibigan pa rin kami. Malapit siya sa ating lahat, hindi ba? Lalo sa amin ni Mariel (Rodriguez). Kaya ‘pag nagtalo kami kinabukasan wala na ‘yun.”

Op kors, the director Bb. Joyce Bernal has only one wish: na manood sa Araw ng Pasko ang mga tao para nasa mga sinehan pa rin daw sila hanggang sa Bagong Taon!

Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …