Monday , December 23 2024

Robin, bilib sa kasikatan ni Daniel! (‘Di pa raw kasi niya naabot noon ang kasikatan ni Daniel ngayon)

AMINADO si Robin Padilla na mas malaking figure na ang kanyang pamangking si Daniel Padilla kompara sa kanya.        “Kumbaga, ‘yung media ngayon, hindi natin pwedeng ikompara sa media natin noon. Eto, buong mundo. Kahit saan ako makarating. Hanggang Lebanon. Noong nagpunta ako ng Lebanon, isa lang ang hinihingi ng tao—si Daniel.

“Para sa akin, wow! Hindi pwedeng sabihin na siya ang humalili sa akin. Hindi. Kahit noong panahon ni tiyo Pempe, hindi rin pwedeng sabihing ako ang humalili kay tiyo Pempe, magkakaiba kami ng panahon.

“Sa ngayon, siya (Daniel) ang pinakamalaking pag-asa ng Padilla. Lahat kami, nasa kanya.”

Nasambit ito ni Robin dahil sa pagkokompara sa kanilang mag-tiyo at sa pagtatapat ng kani-kanilang pelikula sa darating na 39th Metro Manila Film Festival sa December 25. Si Robin ay bida sa 10,000 Hours samantalang si Daniel naman ay sa Pagpag.

“Hindi. Hindi natin pwedeng sabihing katapat,” giit ni Binoe (tawag kay Robin). “Iba na si Daniel. Ano na ‘yang pamangkin kong ‘yan, lahat kami nakasuporta sa kanya. Parang siya ‘yung may dala-dala ng bandila. Lahat kami, lalo na ako, hindi natin kokompetensiyahin ‘yun. Susuportahan natin ‘yun hanggang sa dulo.

“Panoorin nila ‘yung dalawa (‘10,000 Hours’ at Pagpag) para makita nila ‘yung Padilla blood talaga,” dagdag pa ng actor.

Sinabi pa ni Binoe na hindi raw niya naabot ‘yung naabot ngayon ni Daniel. “Sa entertainment, hindi ko naabot ‘yung naabot niya. Sa edad niyang ‘yan. Siguro sa box-office, oo, hindi pa niya naaabot (ang naabot ko). Pero ‘yung kasikatan, wow! Bilib ako roon. Iba si Daniel. Mas marami pang ipakikita ‘yung batang ‘yun, mas marami pa.”

Samantala, nagbabalik si Robin sa big screen sa pamamagitan ng 10,000 Hours, isang action-drama na punumpuno ng rebelasyon ng mga lihim ng nakaraan at inspired ng true stories sa buhay ng dating Senador na si Panfilo Lacson.

Subalit higit pa sa kuwento ng isang simpleng pulis na pinaiiral ang batas hangang sa pag-angat niya bilang public official, mas marami pang mahahalagang katotohanan na gustong iparating ang pelikula.

Kaya kung gusto ninyong malaman kung ano iyon, panoorin ninyo ito sa December 25 na idinirehe ni Bb. Joyce Bernal at ipinrodyus ng N2 Productions, Philippine Film Studios, Inc., at Viva Films.

Kasama rin dito sina Michael de Mesa, Alden Richards, Bella Padilla, Mylene Dizon, Pen Medina, Carla Humphries, Cholo Barretto, Markki Stroem, Wynwyn Marquez, Joem Bascon, Antonio Aquitania, at Bibeth Orteza.

mariciris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *