Friday , November 15 2024

Punla sa mabatong lupa (Part 24)

PINAG-TRIP-AN SAMPAL-SAMPALIN SINA EMAN AT DIGOY NG GOONS NI KIRAT

“Tig-dalawa tayo.”

Nagdalawang grupo ang mga tauhan ni Kirat. Tatluhan ang isang grupo. Tinupi-tupi ng mga ito ang dalawang piraso ng aluminum foil na nagmukhang alulod ng bubong. Tapos, mula rin sa aluminum foil ay naglulon  ng dala-wang  tila-straw. Ipinatong ang drogang tila pininong tawas sa  mala-alulod na aluminum foil. Nagsindi ng lighter at dinarang ng apoy niyon ang munting tumpok ng droga sa kinalalagyan. Lumikha ‘yun ng puting usok habang unti-unting nilulusaw ng init ng apoy. Ginamit ng bawa’t isa ang inirolyong aluminum foil sa pagsinghut-singhot sa usok na amoy kemikal na tinatawag na Methamphetamine.

Nang malingunan si Eman ng kanang kamay ni Kirat na nagsisikap makabangon sa sementadong sahig ay biniyabit siya nito sa kwel-yo ng kanyang damit. Pinaupo siya sa bumper ng kotseng nakagarahe roon.

“Steady ka lang d’yan, ha?” anitong humimas sa kanyang mahabang buhok na lampas-tenga.

Binalanse ni Eman ang sarili sa pagkakaupo sa nikeladong metal sa  unahan ng sasak-yan.  Sumandal siya sa hood. Pero muntik na siyang mapasubsob sa pandadagok ng goon na nakatayo sa tapat niya.

“Sabi ko, steady ka lang… parang estatuwa, ha?” paninita nito sa ikinilos ni Eman.

Sa isip niya, napagtitripan na yata siya ng tauhan ni Kirat. Pero ang kaibigan niyang si Digoy ay ginawa na palang laruan ng kabilang grupo.  Pinaupo rin ito sa bumper ng kotse at saka sali’t salitang sinasampal-sampal at binabatuk-batukan habang tila isang kriminal na sumasailam ng interogasyon.

“Lider ka ng mga rebelde, di ba?”

Parang walang narinig si Digoy.

Kitang-kita ni Eman nang muling lumagapak ang todong pagsampal sa pisngi ni Digoy. Nabiling ang mukha ng kaibigan niya. Sa lakas ng pagkabanat ay tumalsik ang salamin nito sa mata. Pagbagsak niyon sa semento ay nagkabasag-basag.

“Sinu-sino’ng nahikayat n’yo sa kagaguhan, ha?”

Hindi ulit umimik si Digoy.

Nag-igkasan na naman sa pananampal at pandaragok ang mga kamay ng mga tauhan ni Kirat.

“Kanta na!” ang sigaw sa panggigigil ng isa.

Maramdaming kinanta ni Digoy ang ilan sa mga huling linya ng “Bayan Ko”. Nagpasiklab ‘yun sa galit ng mga goons. Maririing suntok sa dibdib at sikmura ang inabot nito.

(Itutuloy)

Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *