Tinanghal na top grosser ng taon ang katatapos na Presidential Gold Cup na pakarera ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ginanap sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.
Sa limang malalaking pakarerang naganap simula noong Agosto hanggang Disyembre 15 matapos ang matagumpay na Philtobo Grand Championship sa Santa Ana Park sa Naic,Cavite, lumalabas na bagsak ang benta ng pakarera ng Marho na ginanap sa Santa Ana Park noong Nobyembre 24.
Sa tala ng Philippine Racing Commission (Philracom), kumita ang PSCO PGC ng P38,497,366.00 noong Disyembre 1, 2013.
Pumangalawa naman ang Philtobo Grand Championship na kumita naman P38,239,546.
Nasa ikatlong posisyon ang pakarerang ginanap ng Klub Don Juan noong October 27, sa bakuran naman ng Metro Manila Turf Club na may kitang P35,195,365.00 habang pumang-apat ang Bagatsing Cup na kumita naman ng P33,838,294 habang may P32,410,683 ang Marho Cup.
Hindi pa dito kasama ang nakatakdang pakarera ng Philracom na Grand Derby sa darating na Linggo sa Sta.Ana Park at Juvenile Championship sa Disyembre 29 na gaganapin sa Malvar, Batangas.
Sa kasalukuyan ay umabot na sa P7.4 Bilyon ang kinita ng mga pakarera bukod pa ang nalalabing dalawang lingo ng huling buwan ng taon 2013.
Ni andy yabot