Monday , December 23 2024

Pangkabuhayang pagkamamamayan (Ikalawang bahagi)

Ang lumalaking gawak sa antas ng kabuhayan ng minorya at mayorya sa ating bayan ay bunga ng pagiging maka-mayaman ng kasalukuyang sistemang pang-ekonomiya na tinatangkilik ng pamahalaan, ang neo-liberalismo. Ang sisteng ito ay sinusundan ng ating pamahalaan mula pa nuong 1960 matapos ng gibain ni dating Pangulong Diosdado Macapagal ang makabayang pamanatayan ng administrasyon ni dating Pangulong Carlos Garcia.

Ang hakbang na ito ni Diosdado,  ama ni Gloria Macapagal-Arroyo na isa ring taga-dakila ng neo-liberalismo, ay bunsod ng sulsol, pananakot at tahasang pakiki-alam ng mga technocrats na bayaran ng World Bank/International Monetary Fund.  Pansinin na maunlad ang Pilipinas nuong panahon ng makabayang si Pang. Garcia. Tayo ay pumapangalawa sa bansang Hapon pagdating sa kaunlaran sa Asya. Nagsimulang bumulusok pabagsak ang ating ekonomiya sa panahon ni Pang. Diosdado Macapagal dahil sa pagsunod nito sa gusto ng mga dayuhan.

Ang neo-liberalismo, na inumpisahan ni Pang. Diosdado Macapagal, ay masigasig na ipinatutupad ngayon ng kasalukuyang administrasyong Aquino kahit na malinaw na ito ay pabor lamang sa mga mayayaman. Sa ngayon ang yaman ng bansa ay pinakikinabangan lamang ng ilang mga mayayaman.

Sa pag-aaral ng sosyologong Ingles na si T.H. Marshall at ng taga-New York na historyador na si Alice Kessler-Harris ay napag-alaman nila na may mga ugnayan pala ang katatayua’t pagkakakilanlan sa lipunan, kapangyarihan at pribilehiyo. Batay pa rin sa kanilang pag-aaral ay luminaw ang relasyon ng yaman sa pag-tatamasa ng kapangyarihang pulitikal.

Sa kabilang banda, ayon naman sa ekonomistang si Joseph Stiglitz, kapag mas malaki ang pag-itan sa kabuhayan ng mga mayayaman at mahihirap, mas lalong nagiging maka-sarili ang mga mayayaman. Bagkus na mas mayaman ay mas lalong nawawala ang simpatya ng mga ito sa mga mahihirap na kababayan.

Ito ang ilang bahagi sa mga sinulat ni Stiglitz kaugnay nang kawalan ng simpatya ng mga mayayaman sa mga mahihirap, “…The more divided a society becomes in terms of wealth, the more reluctant the wealthy become to spend money on common needs. The rich don’t need to rely on government for parks or education or medical care or personal security—they can buy all these things for themselves. In the process, they become more distant from ordinary people, losing whatever empathy they may once have had…”

Maari na ngayon sabihin na ang pangkabuhayang pagkamamamayan ay representasyon pala ng ugnayan ng kapangyarihan pang-ekonomiya at pag-tatamasa ng kaginhawang pulitikal.

Batay sa ating mga napag-alaman ay hindi na pala kataka-taka kung bakit walang ipinakikitang simpatya si Pangulong Benigno Simeon Aquino III at Kalihim Mar Roxas sa mga mahihirap nating kababayan lalo na yung mga biktima ng bagyong si Yolanda.

Si Aquino’t Roxas ay mula sa pamilya ng mga panginoong maylupa na naghahari sa ating bayan mula pa nuong panahon ng mga Kastila. Sila ay lumaki na malayo sa pang-araw araw na kahirapang kinakaharap ni Juan dela Cruz kung kaya hindi nila damdam kung paano nabubuhay ang mga tulad nating ordinaryong mamamayan.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa [email protected] para sa karagdagang impormasyon.

Nelson Forte Flores

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *