Monday , December 23 2024

Paghakot ng basura sa Quezon City may bayad na rin!?

00 Bulabugin JSY

MALAPIT na raw maaprubahan ang panukalang ordinansa ni Quezon City District 1 Councilor Victor Ferrer, Jr.,  chairman ng ways and means committee, na naglalayong SINGILIN ang Quezon City residents ng P100 hanggang P500 kada taon bilang bayad sa basura.

‘E paano ‘yung mga mahihirap na residente na hindi kayang magbayad kahit ng P100, ano ang mangyayari sa basura nila?!

Hindi na kokolektahin ng City government?!

Hindi na tayo nagtataka kung bakit nasisilat sa eleksiyon si Konsehal Jun Ferrer.

Mantakin ninyong SERBISYONG pangongolekta ng basura ‘e SISINGILIN pa sa mga residente?!

Baka nalilimutan ni Konsehal Ferrer na kasama ‘yan sa tungkulin ng local government unit (LGU), ang tiyakin ang kalinisan ng kapaligiran para sa kalusugan ng mamamayan.

Hindi pa ba kayo kontento sa pork barrel n’yo (Konsehal) na P50M kada taon at kailangan dagdagan pa ng pahirap ang constituents ninyo!?

Aba’y diyan nga raw sa Quezon City pinakamataas ang buwis na binabayaran ng mga negosyante at residente!

Quezon City council … esep-esep din kapag may time.

Ay sus naman!

SIGLA NG MAYNILA IBABALIK NI PHILIP LACUNA?

SABI ni Mayor Erap, sa Liga ng mga Barangay sa Philippine Columbian clubhouse kamakailan, ‘e tulungan siyang ibalik ang nawalang sigla sa MAYNILA dahil nagbalik na ang tiwala ng mamamayan sa kanyang administrasyon.

Oww com’on!?

Kung dati raw ay lubog sa utang (ito na lang lagi niyang sinasabi sa mamamayan, gayong malinaw na mayroon pang pondo ang Maynila nang bumaba sa pwesto si Mayor Alfredo Lim) ngayon daw ay makaaahon na ang lungsod dahil daw sa suportang ibinibigay sa kanya ng mga mamamayan at mga opisyal ng Barangay.

Isang katunayan daw dito ay ang paghingi ni Erap ng suporta sa barangayan para muling ihalal si Philip Lacunat ‘este Lacuna na Panggulo ‘este’ Pangulo sa Liga ng mg Barangay.

Tsk tsk tsk …

Naniniwala pala si Erap na si Philip Lacuna ang magbabalik ng sigla ng Maynila at hindi siya (?) …

Hehehehe …

Ang isda raw talaga ay laging nahuhuli sa bibig na laging nakanganga.

Wala bang bagong ERAP JOKE?!

GINZA SAUNA CUM SPA-KOL SA QUEZON AVE MARAMING GIMIK!

ISA ang GINZA SAUNA sa matatandang establisyemento d’yan sa Quezon Avenue.

Dekada 80 pa lang ‘e GINZA SAUNA na ‘yan. Hanggang ngayon 2013 na ‘e naririyan pa rin.

Pero kakaibang SAUNA ‘yan. Mayroon silang ini-o-offer na ‘special extra service’ if the price is right!

Napaka-espesyal na ‘body SPA.’

Kaya huwag na tayong magtaka na kahit luma na ‘yang GINZA ay dinarayo pa rin.

Higit sa lahat, nakapagtataka na kilalang-kilala sa SPA-kol ang nasabing SAUNA ngayon pero patuloy pa rin pinalulusot ng mga awtoridad.

Sino ba ang nakikinabang d’yan?! Sino ang nagbibigay ng proteksiyon?

Kanino nanghihiram ng lakas ng loob ang operator ng GINZA Sauna para harap-harapang bastusin ang mga awtoridad sa Quezon City?!

QCPD DD Gen. Richard Albano, pakisagot lang po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *