GANYAN ang Pinoy, kakaiba magselebra ng Pasko kahit sinasabing hirap o kapos ay hindi basta-basta padaraanin lang ang Pasko.
Maligayang Pasko pero sana ay huwag natin kalimutan ang totoong diwa ng Pasko kahit na sinasabi ng nakararaming Pinoy na napakahirap ipagdiwang ang naturang okasyon kung ika’y kapos. Hindi po mahirap ipagdiwang ito kung i-pokus natin ang ating sarili sa nagbuwis ng Kanyang buhay para sa sanlibutan.
Pero kung busy ang marami ngayon, isa sa higit na busy na ahensya ng pamahalaan sa pagbabantay o tumutulong sa mga namimili ay ang pulisya. Seguridad ng bawat mamimili ang kanilang tinitiyak.
Ngunit hindi lang PNP ang abala ngayon para sa mamimili kundi maging ang tanggapan ng Land Transportation Office (LTO). Konsentrasyon ng LTO ngayon sa kanilang pagbabantay ay ang mga abusadong taxi driver.
Pero sa kabila ng kampanya ng LTO, tila ‘wa epek ito dahil patulioy at nagkalat pa rin ang mga tarantadong drayber.
Oo may mga LTO operatives sa mga sakayan ng taxi sa mga mall para hulihin ang mga driver na abusado at namimili ng pasahero ngunit, ang lahat ay hanggang umpisa lang daw anang mga nagreklamo sa atin.
Paano kasi, nagpapakitang gilas lang sa pagbabantay ang mga taga-LTO. Pakitang gi-las? Oo, kapag may media daw lalo na kapag para ilalabas sa telebisyon ang kanilang trabaho panay ang kanilang paninita sa mga drayber. May bago ba sa aksyon kuno ng LTO? Wala mga kababayan. Noon pa man ay hanggang umpisa at papogi lang ang LTO lalo na kapag kinukunan sila.
Anyway, infairness sa LTO dahil hindi naman lahat ay mahilig sa publicity kundi kahit na papaano ay may mga matino naman.
Sa hiwalay pang reklamo, oo isinasakay naman daw sila ng mga drayber sa kanilang taxi at ibi-nababa ang metro pero, habang nasa biyahe na ay kinokontrata ang pasahero. At wala nang choice ang pasahero kundi pumayag na dahil sa hirap sumakay ngayong Kapaskuhan.
May reklamo pang may mga drayber naman na nagbababa ng pasahero kapag hindi sila nagkasundo sa kontrata.
Sa hiwalay pang reklamo, bakit daw mga mall lang ang binabantayan, dapat daw maging ang mga bus terminal o dapat maging ang mga sulok. kahit saan daw kasi ngayon ay ‘mabenta’ ang taksi kaya dapat kahit saan ay may nagrorondang LTO enforcers na malalapitan ang mga mana-nakay para mapagsumbungan.
May text din sa inyong lingkod … “LTO, LTFRB at MMDA ‘yan oplan sita sa mga isnaberong taxi driver ay yabang at porma lang. Dito kasi sa Sta Cruz Church daming driver na nasa tapat ng pre-sinto ay namimili ng pasahero. Ayaw magsakay kapag hindi kontrata ang pasahe.”
Iyan ang isa pa sa reklamo. Teka ba’t kaya ang lalakas ng loob ng mga driver sa pagtanggi ng mga pasahero? Biro n’yo nasa harapan na nga sila ng presinto, sadyang matigas pa sila.
Tsk…tsk…tsk… mukhang nangangamoy malansa yata ha.
Hindi kaya, ang presinto ang nagpapapila ng taxi sa lugar at nakikinabang sila sa pilihan kaya, ganoon na lamang kalakas ang loob ng mga dri-ver?
***
Reaksyon naman sa gobyernong PNoy. “Ito mga ahensya ng gobyerno natin mapapamura ka lang talaga. Kapag nagpalabas sila ng balita, ti-yak na porma at yabang at pasikat lang. Masabi lang na may ginagawa.Tulad ng kampanya ng MMDA vs namamalimos sa kalsada. Pinagigting daw. maraming beses na yan sinabi pati ng DSWD pero ano. Nagkalat pa rin ang namamalimos lalo na ngayong kapaskukan. Maging ang batang rugby, noon una lang sila iniligtas pero hanggang simula lang ang kampanya na may nakalaaang pondo para dito.” (number withheld).
***
Para sa inyong reklamo, reaksyon at suhestiyon, magtext lang sa 09194212599.
Almar Danguilan