DAHIL Pasko na, gusto ko’ng ibahagi sa inyo ang tugon ng editor na si Francis P. Church sa liham ng isang batang babae na nalathala sa editorial page ng New York Sun noong September 21, 1897. Si-mula noon ay ginamit na ito upang sagutin ang mga nagdududang bata ng mga susunod na he-nerasyon. Isinalin:
Dear Editor,
Ako po ay eight years old. Sinabi ng ilan sa mga kalaro ko na hindi raw totoo ang Santa Claus. Sabi naman ni Papa, “Kung mababalita ‘yun sa The Sun, e, totoo na ganun nga.” Sabihin n’yo nga po ang totoo, mayroon po ba talagang Santa Claus?
Virginia O’Hanlon
Virginia, mali ang mga kalaro mo. Naapektohan na sila ng mga pagdududa ng skeptical age. Hindi sila naniniwala hanggang hindi nila nakikita. Naniniwala sila na hindi posible ang anumang hindi naiintindihan ng munti nilang pag-iisip. Ang lahat ng isip, Virginia, ng matanda man o bata, ay munti. Sa napakalaking mundo nating ito, ang tao ay isa lamang insekto, isang langgam sa kanyang isip kumpara sa nakalululang mundong nakapaligid sa kanya, upang maunawaan ang lahat ng katotohanan at kaalaman.
Oo, Virginia, mayroong Santa Claus. Nandi-yan siya, gaya ng pagmamahal at pagiging mapagbigay at debosyon, na alam mo’ng sagana at nagbibigay ng kaligayahan sa buhay.
Sayang! Napakalungkot siguro ng mundo kung walang Santa Claus! Kasing lungkot kung walang mga Virginia. Walang mga pananalig na tulad ng sa bata, walang tula, walang pag-ibig na nagbibigay ng kahulugan sa buhay. Wala ta-yong ikasisiya, maliban na lang sa nararamdaman at nalalasahan. Ang liwanag na pinupunan ng pagkabata sa mundo ay mawawala.
‘Wag maniwala sa Santa Claus! E, ‘di huwag na ring paniwalaan ang mga fairy. Puwede mo’ng hilingin sa Papa mo na kumuha ng mga magbabantay sa lahat ng chimney sa bisperas ng Pasko upang maaktuhan si Santa Claus, pero ‘pag hindi mo nakita ang pagbaba niya, ano ang ibig sabihin nito? Walang nakakakita kay Santa Claus, pero hindi ito nangangahulugan na walang Santa Claus. Ang mga pinakatotoong bagay sa mundo ay iyong hindi nakikita ng bata man o matanda. May nakakita na ba ng mga fairy na nagsasayawan sa damuhan? Siyempre wala pa, pero hindi ibig sabihin nito ay wala sila roon. Walang makakawari na lahat ng kamangha-mangha sa mundo ay hindi nakikita o hindi maaaring makita sa mundo.
Sirain mo ang rattle ng baby at makikita mo ang kumikililing sa loob nito, pero may belo na nagkukubli sa nakatagong mundo na kahit pa ang pinakamalakas na lalaki, o kahit pa pag-isahin ang tikas ng pinakamalalakas sa mundo, ay hindi matitibag. Tanging ang pananalig, tula, pagmamahal at pag-ibig ang makapag-aalis ng tabing para mapagmasdan ang mistulang langit na kagandahan at kaligayahan nito. Totoo ba ang lahat ng ito? Ay, Virginia, sa mundong ito ay wala nang iba pang tunay at nananatili.
Walang Santa Claus! Salamat sa Diyos, na patuloy siyang nabubuhay! Isang libong taon mula nga-yon, o 10 beses na 10,000 libong taon mula ngayon, patuloy niyang paliligayahin ang puso ng pagkabata.
***
SHORT BURSTS. Gusto ko’ng pasalamatan ang napakarami ko’ng espiya na maingat na nagbigay ng bala ngayong taon upang maging direkta at totoo ang aking “shooting” sa Firing Line, at sa aking mga walang sawang mambabasa, na inspirasyon sa aking pagpapatuloy (at pag-ii-ngat), manatili kayo’ng alerto! At ngayong Pasko, hiling ko na gamitin sana ng bawat isa ang mga kabiguan ng kani-kanilang personal na pasanin bilang inspirasyon sa mga bagong pagtatagumpay. Ito lang ang paraan upang maging makabuluhan ang araw-araw nating pagsisikap. Mas mahirap ang buhay, mas malaki dapat ang ating mga ngiti. Smile!… Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.
Robert B. Roque, Jr.