To senor h,
Tnong q lng sir, nnginip kasi aq nkikipagkarera, tpos my tubig, d ko matandaan kng ininom ko o kng ano… ano kya ipnhihiwtig s akin ni2? Aq c pol ng tarlac po, dnt print my CP, wait q answer ni2 s dyario, tnx…
To Pol,
Ang ganitong tema ng bungang-tulog ay nagsasaad na may mga naiinggit sa iyong mga tinatamong tagumpay at tinatamasang ginhawa sa buhay. At gusto nilang sila ang magtamasa nito para sa kanilang mga sarili. Nagpapakita rin ito ng iyong full potential at ng iyong abilidad upang maabot ang iyong mga mithiin sa buhay. Ikaw ay nakakaramdam ng lakas at kayang malagpasan ang mga sagwil at balakid na haharang sa iyong daraanan. Ang panaginip mo ay nagbibigay sa iyo ng kompiyansa at masasabing ng nagbabadyang tagumpay. Subalit, maaari rin namang isa itong paalala sa iyo na dapat magdahan-dahan o maghinay-hinay, o kaya naman ay magbago ng landas na tatahakin. Kadalasan, ang bungang tulog na ito ay nagpapakita ng iyong competitive nature at kung paaano mo susukatin ang iyong kakayahan kontra sa iba.
Ang tubig naman ay sagisag ng iyong unconscious at ng iyong emotional state of mind. Ang tubig ay ang living essence of the psyche at ang daloy ng life energy. Ito ay simbolo rin ng spirituality, knowledge, healing at refreshment. Kung ang tubig ay calm at clear, ito ay nagsasaad na ikaw ay nasa maayos na spirituality. Nagpapakita rin ito ng serenity, peace of mind, at rejuvenation. Kung marumi ang tubig, nagpapakita ito na ikaw ay nagtatampisaw sa iyong mga negatibong emosyon. Maaaring paalala rin ito sa iyo upang maglaan ng oras para sa sarili upang malinawan ang pag-isip at matagpuan ang internal peace. Alternatively, maaaring ito ay nagpapakita rin na ang iyong pag-iisip at desisyon ay unclear at clouded.
Señor H.