Friday , November 15 2024

Mga broker nagbuhos ng sama ng loob, galak

Maraming mga customs broker ang nagagalak sa pagbabago ng liderato sa customs mula sa isinusuka nilang sistema ng “tara” (lagayan”)sa pagpapairal ng “No Take” policy.

Noong mga nagdaang administration sa customs, kasama na rito ang liderato ng nagbitiw na si Commissioner Biazon, pawang status quo ang umiiral na    sistema. Obli-gadong maghatag ng tara ang mga pobreng broker, regardless of whether their shipments were above board or not. Mandatory ang tara.

Paano ba naman makalulusot samantala mahigit 23 “task groups (tara groups) ang nakaabang na parang mga gutom na mga buwaya (pardon the word). Kaya naman bago pa lang dumating ang kargamento ng kanilang mga kli-yente na importer, nakalista na ang mga task group na iba-iba ang mga tara depende sa dala nilang unit tulad ng intelligence or law enforcement.

Ang paglaho ng mga “task group” sa customs, kasama na rito ang Cebu Port, Davao Port, mariing pinasaya ng mga pobreng broker. Syempre may mga salbahe rin mga broker na kakon-tsaba ng mga task group. May mga tagaloob ng Bureau na sila mismo ang personal na broker. Paano mo naman lalabanan ang ganito. Kaya mas mababa ang kanilang singil sa kanilang kli-yente kaysa mga broker na walang may patong na mga tagaloob.

Kung pagsasamahin lang mga tara na ibi-nibigay sa mga task group, bukod ang particular na mga lagay sa Office of the Commissioner, gayon sa mga opis ng kanyang mga deputy  collector. Espesyal ito. Kaya mahirap na maka-bili tayo ng mga smuggled  goods na mura. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi matigil-tigil ang smuggling. Isa rin malaking kwestiyon kung bakit walang nagawa si Biazon upang mapahinto ang kotongan. Doon mismo sa Office of the Commissioner, may ipina-checkpoint na ang trabaho bigyan ng tara ang bawat kargamento sa pa-mamagitan ng computer. Kapag gustong ma-harass ang  broker iipitin ang kanilng kargamento hanggang sila mapuwersang maglagay. Tsk tsk tsk …

Itong uri ng garapal na lagayan na tila ipinatitigil noon ni Biazon sa pamamagitan ng press releases, wala na ngayon. O kaya pala basta’t may political will. Tingnan natin ultimong si Bia-zon napilitan mag-RESIGN na marahil isang political pressure sa kanya. Isinabit siya sa pork barrel scam sa halagang P1.9 million kickback. Well, it is water under the bridge. Gusto pa sa-na ma-extend ang kanyang stay, pero sinabihan daw ni Secretary Purisima si PNoy na may napili na siyang kapalit. Lumalabas tuloy na tila na-pressure siya na magbitiw.

Ang  ikinagagalak ngayon ng mga biktima ng bulok na system wala silang binibigyan ng mga task group, collector’s office, etc.

Hindi nila dapat problemahin iyong pagkahahabang listahan mula sa collector’s office kung araw ng Pasko, at kung Holy WeeK. Wala na rin ito. Ngayon, maaasahan ba natin ang mababang presyo sa merkado?

Arnold Atadero

About hataw tabloid

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald …

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *